• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Emmanuel Ledesma Jr. itinalaga bilang PhilHealth chief

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  si  Emmanuel Rufino Ledesma Jr.  bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Ang pagtatalaga kay Ledesma ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post.

 

 

Si Ledesma  ay magsisilbi rin bilang  miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth.

 

 

Nobyembre  2022, itinalaga si Ledesma  bilang acting PhilHealth chief.

 

 

Si Ledesma ay naging pangulo at  CEO  ng  Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

 

 

Ang PhilHealth ay may mandato na pangasiwaan ang  National Health Insurance Program na naglalayong magbigay ng health insurance coverage at tiyakin na  “affordable, acceptable, available at accessible healthcare services” para sa lahat ng mga Filipino.

 

 

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si Col. Jose Luntok bilang  commander ng  Light Reaction Regiment,  ang premier counter-terrorist unit ng Philippine Army.

 

 

Inanunsyo rin ng PCO ang pagkakatalaga kina Khay Ann Magundayao-Borlado bilang  deputy executive director ng  Philippine Commission on Women (PCW).

 

 

Ang PCW ay primary policymaking at coordinating body hinggil sa kababaihan at gender equality concerns.

 

 

“It continues to build upon the past efforts and achievements in advancing the status of women and acts as a catalyst for gender mainstreaming, the authority on women’s concerns, and advocates for women’s empowerment, gender equity and gender equality,” ayon sa ulat.

 

 

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si David Erro bilang miyembro ng Land Bank of the Philippines’ Board of Directors,  kumakatawan sa agrarian reform beneficiaries.

 

 

Base sa bagong listahan ng presidential appointees, ang  Director III post ay ibinigay kay Mathias Malenab (Department of Public Works and Highways), Bonifacio Pajuelas (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), at Reinalyne Varias (Department of Justice’s Office for Alternative Dispute Resolution).

 

 

Itinalaga rin ng Chief Executive si Romeo Allan Rosales bilang Customs Collector IV ng Bureau of Customs. (Daris Jose)

Other News
  • Hands on canvassing training para sa 2022 Presidential at VP elections sa Kamara

    BILANG  paghahanda, nagsagawa ng hands on training sa canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential candidates ng May 9, 2022 national elections sa kamara.     Ang hands-on training/demonstration ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC).     Sinabi ni House Information and Communications Technology Service (ICTS) Director II Julius Gorospe na ang […]

  • Bukod sa nag-e-enjoy din sa pagpi-piano… DINGDONG, happy and proud sa bagong discovery ni ZIA na pangangabayo

    NAKIPAG-BONDING ang Dantes Squad, ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA boss na si Attorney Annette Gozon-Valdez, Kim Atienza at iba pang mga kaibigan nila sa Leviste Equestrian Park noong Linggo.       Halatang natuwa at proud si Dingdong sa anak nila na si Zia […]

  • PALENGKE, GROCERY SA NAVOTAS, ISASARA TUWING LUNES

    DAHIL sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19, isasara tuwing Lunes ang mga public market, grocery, at talipapa sa Navotas para sa general cleaning at disinfection, base sa Executive Order No. TMT-016 na nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco.     Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang […]