Emosyonal sa academic achievement ng anak: AIKO, sulit ang paghihirap sa trabaho para sa pag-aaral ni MARTHENA
- Published on July 10, 2023
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanayng social media accounts ang achievement ng anak nila ni Martin Jickain na si Marthena Jickain.
Isinaad ni Aiko sa isang Instagram post ang pagbati niya sa academic achievement ni Mimi.
Ani Aiko, “Congratulations on graduating!.. You are an achiever. … You make me so proud of being your mother! We are all rooting for you, my dear Mimi.”
Dugtong pa ni Aiko, sulit ang kanyang paghihirap sa trabaho para sa pag-aaral ni Marthena.
“Mama’s sleepless and tireless night over taping and shootings is all so worth it. And if mama AIKO would have to do tons of work just to send you to all the best schools, I would, without a doubt! Never get tired of learning, it’s a treasure! I can proudly say soon we have a future lawyer in the family 💚 This is just the beginning of beautiful things to come :)”
Pag-amin pa ni Aiko, emosyonal siya dahil sa achievement ni Marthena.
“@jickainmarthena PS! Teary-eyed mama here 💚”
Kasali sa isang photo na ipinost ni Aiko ang certificate ni Marthena. Saad sa certificate na ito ay ang Oxford Summer Courses at natapos ni Marthena ang kursong Law.
***
MULA noong bumalik siya sa Amerika noong March 2020 ay naging isang successful real estate agent si Sebastian Castro.
At ngayong 2023 ay binalikan niya ang pag-arte sa harap ng kamera bilang isang artista.
Ibinahagi ni Sebastian kung paano siya nakuha nina Dextert Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez, na series creators ng Stay, na maging bida sa nabanggit na Boys’ Love o BL series.
“Facebook and Instagram and my work email, I believe,“ umpisang kuwento ni Sebastion kung saan siya unang kinontak nina Dexter at Allan.
Ano ang unang pumasok sa isip niya nang nabasa niya ang mensahe sa kanya ng dalawang direkor.
“In my head I have sort of left Philippine showbusiness completely, right? I have not been doing projects for two plus years so I was okay with just sort of moving on.
“But they reached out to me, offered this particular role for the lead role of the series and I loved the character from the first read.
“So I play Andre in Stay and Andre is such a fun mess,” ang natatawang bulalas pa ni Sebastian.
“He is a character who makes a lot of mistakes but he tries… and watching him either cover it up or make up for those mistakes is very entertaining.
“And I think at the heart of the story there‘s a very good love story with lots of kilig.
“So I definitely was surprised and grateful that that role fell in front of me and I did tell them, I was very happy to tell them, yes I was happy to play it.”
Gumaganap si Sebastian sa Stay bilang Pilipinong direktor na si Andre na sinubukan ang kanyang kapalaran sa Amerika at ina naman ni Andre si Grace na ginagampanan naman ni Lotlot de Leon.
Tampok rin sa Stay ang American theater actor na si Ellis Gage bilang si Joshua, ang love interest ni Andre, at ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver bilang si Mikyla na bestfriend ni Andre.
Napapanood na sa Facebook page at Youtube channel ng Team Campy Entertainment ang ‘Stay’.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Operasyon ng MRT 3 hinto muna
Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected. Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line. “The shutdown may be extended […]
-
Gibo Teodoro at Dr. Ted Herbosa, nanumpa kay PBBM bilang mga bagong miyembro ng gabinete
NANUMPA na sa kani- kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ngayong umaga sina Gilbert ” Gibo ” Teodoro at Dr Ted Herbosa. Si Teodoro ay manunungkulan bilang Defense Secretary habang si Herbosa ay magsisilbing Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan. Kasamang nanumpa ni Teodoro Ang kanyang kabiyak na […]
-
PBBM, pamilya binisita at nagbigay-galang sa namayapang ama na si Marcos Sr. nitong Undas
GAYA ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng kanyang pamilya na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), araw ng Martes, Nobyembre 1. Sa katunayan, isang misa ang isinagawa para kay Marcos Sr. Kasama […]