• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ENCHONG, wala pang reaksyon sa isinampang P1 billion cyber libel case kahit nag-public apology na sa kanyang nai-tweet

PINANOOD namin ang interview ni Betong Sumaya sa dalawang cast ng The World Between Us ng GMA-7 na magbabalik ng muli sa primetime simula sa November 22 na sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Kung si Tom ay high na high pa rin na bagong kasal siya kay Carla Abellana at isa raw sa pinaglalaanan niya ng oras, i-enjoy ang pagiging Mr. & Mrs. nila ni Carla habang naka-season break nga sila sa serye.

 

 

Si Jasmine naman, nang matanong kung ano ang pinagka-abalahan niya, ang pamangkin ang binanggit nito.

 

 

Ang pamangkin sa kapatid na si Anne Curtis na si Dahlia. Sabi ni Jasmine, “My pamangkin talaga and I took the time na i-take ang break na ‘yun and you know, hoping siyempre, baka may umusbong na ibang projects, so sabi ko, habang wala pang work at naka-break.”

 

 

      Bukod dito, nakikibalita lang daw siya lagi sa mga nagpapabakuna na mga kaibigan o kasama niya.

 

 

No mention ito about lovelife.

 

 

Matagal nang nababalita na break na sila ng almost four years boyfriend na si DOT (Department of Tourism Regional Director Jeff Ortega pero hanggang ngayon, hindi ito sinasagot ni Jasmine.

 

 

Pero kung ikukumpara nga before na halos napaka-open nila, laman din ng social media ni Jasmine ang mga pictures nila together at ang madalas na pag-stay rin niya sa La Union, tila nabago lahat ‘yun.

 

 

Not unless, sa new management ni Jasmine, may concious effort na quiet at hindi na ito magiging visible sa lovelife niya.

 

 

So, ano nga ba? Kung break naman na, bakit ‘di pa aminin?

 

 

***

 

 

DEDMA o wala pa rin ano mang reaksiyon ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa isinampang cyber libel case sa kanya ni Partylist Congresswoman Claudine Bautista-Lim. 

 

 

Nagpo-post pa rin naman ito sa kanyang mga social media accounts tulad ng Twitter at Instagram, pero hindi ito nagme-mention anything about the case.  Napakalaki ng hinihinging danyos ng kongresista sakaling maipanalo niya ang kaso laban kay Enchong, tumataginting na 1 bilyong piso.

 

 

May mga nagsasabi na siguro raw, inaayos na siyempre ng lawyer ni Enchong o baka naman may mga common friends na rin sila na pwedeng pumagitna sa kanilang dalawa, lalo pa nga’t kung babalikan, naglabas na rin naman ng public apology si Enchong sa nai-tweet niya.

 

 

Ang huling post lang ni Enchong ay ang pagpapaalam na niya sa serye nilang Huwag Kang Mangamba at sabi nga niya, “Hanggang sa muli… mamimiss ko kayo.”

 

 

Sa isang banda, bagamat may mga namba-bash kay Enchong at nagsasabing deserve nito ang case na isinampa sa kanya. Marami rin mga netizens ang nagpapalakas ng loob ng actor.

 

 

***

 

 

INAMIN ni Mikoy Morales na dumadaan din siya sa insecurities.

 

 

Na there was a point in his career na inisip din niyang huminto na. Napaisip din kung worth daw ba na ginib-up niya ang pag-aaral sa pag-artista.

 

 

Actually, kung may isa kaming naa-appreciate kay Mikoy, ito ang pagiging honest niya palagi sa mga sagot niya. Since magka-contemporary sila ni Ruru Madrid sa Protégé noon at given na magkaiba ang tinatahak ng career nila, may time raw na he got insecured with Ruru.

 

 

Pero malaking bagay raw na ngayong magkasama sila sa isa sa much-anticipated series ng GMA-7, ang Lolong na nakapag-usap sila at mas clear sa kanya ang lahat ngayon.

 

 

Very grateful ito sa GMA-7 dahil sa muling pagre-renew ng kontrata niya. At para kay Mikoy, ang Pepito Manaloto raw talaga ang nag-save sa kanya and started it all, since from a drama actor, nadiskubre nga niya ang talent niya sa comedy. Nasundan na ito ng pagiging mainstay niya sa Bubble Gang.

 

 

At kasama rin siya sa VIVA movie na Mang Jose.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • 25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

    Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.   Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.   Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa […]

  • Lim, Castro, Paranaque patok sa 1st WNBL 2021

    NASA walo lang ang tinapik, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro ang Parañaque kaya patok pa rin sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa ihahayag na petsa sa lalong madaling panahon.     Kasapi ang 32-year-old, 5-foot-9 forward […]

  • Pinas, mananatiling “top rice importer” sa buong mundo — USDA

    MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.     Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).     Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.     Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang […]