• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

 

“Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him to come in. He is a persona non grata,” ayon kay Enrile.

 

Nanawagan din si Enrile sa sambayanang filipino na ipagtanggol si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa mga kritiko na sumusuporta sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng administrasyon.

 

“Yung International Criminal Court na ‘yan, pinipilit nila na imbestigahin ang Presidente ng Pilipinas , they do not realize that he’s authorized by the Constitution to enforce the laws,” anito.

 

Aniya, ang highest elected official ng bansa ay maaari namang papanagutin sa pamamagitan ng impeachment, wala aniyang dahilan para umeksena pa ang ICC.

 

Sa halip, marapat lamang na magkapit-bisig ang mga filipino para protektahan si Pangulong Duterte bilang “symbol of statehood.”

 

“Tayong mga Pilipino puwede natin patikwasin ang Presidente natin, pero pag aapihin ng taga labas, ang Presidente ng Pilipinas, simbolo ng ating estado …we must all bond together to support him and throw out any foreigner who cast any doubt on the authority and nobility on our President,” anito.

 

Tila ginagamit ayon kay Enrile ng ICC ang mga kritiko ni Pangulong Duterte para isulong ang kanilang “political agenda.”

 

“Kung tayo’y talagang Pilipino, ipagtatanggol natin yung hinalal ng makapangyarihan na botante ng Pilipinas bilang hari natin. Huwag natin papayagan bastusin ng banyaga. …A slap on our President by others, from other countries is a slap on the Filipino people,” aniya pa rin.

 

Giit ni Enrile na ang mga sumusuporta sa ICC probe ay ” most likely communists.”

 

“Yang mga sumusuporta diyan sa mga ‘yan mga kaliwa na lumalaban sa uri ng gobyerno natin. E ang mga followers ni Karl Marx yang mga ‘yan, ni Lenin. Kung gusto nila maging komunista, di pumunta sila sa Russia, pumunta sila sa North Korea,” anito.

 

Aniya, ang communist type of government ay “impractical” sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Kai Sotto makes first start as hot-shooting Adelaide halts three-game skid

    Sinulit ni KAI Sotto ang kanyang unang pagsisimula at itinakda ang tono para sa 108-77 blowout ng Adelaide 36ers sa Brisbane Bullets noong Sabado sa 2022-23 NBL season sa Adelaide Entertainment Center.     Nagtala ang Filipino center ng 13 puntos, kabilang ang isang three-pointer, kasama ang walong rebounds, isang assist, at isang block.   […]

  • 2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust

    MAHIGIT sa P.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, alas- 9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga […]

  • 30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus, may go signal na ng IATF

    PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Taks Force (IATF) ang 30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpulong kahapon ang IATF kung saan ay nagsabi ang Metro Manila Council na payagan na ang mga Alkalde ng NCR na mapatupad ng 30% venue capacity sa […]