Enrollment ngayong school year mas marami
- Published on September 16, 2021
- by @peoplesbalita
Labis na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang school year.
Ayon sa DepEd, sa ngayon ay mayroon nang 26,308,875 o 100.3 percent ng mga estudyante ang nag-enroll kumpara sa 26,227,022 na nag-enroll noong nakaraang taon.
Pero mas mababa pa rin ito kumpara sa enrollment bago pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong School Year 2019-2020 na mayroon 27 million enrollees.
Ang mga lugar na nalagpasan ang enrollment noong nakaraang taon ang Ilocos, Cagayan, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga at Cordillera.
Ang rehiyon namang mayroon pinakamaraming enrollees ang Calabarzon na mayroong 3,440,205, Central Luzon 2,579,984 at National Capital Region na mayroong 2,415,663.
Ayon sa DepEd nasa 20,029,767 students ang nag-enroll sa public schools mayroon 1,668,489 sa private schools at 53,292 sa state universities at colleges maging sa mga local universities at colleges.
Patuloy pa rin naman ang enrollment para sa kasalukuyang school year at magtatapos ito sa September 30.
-
EJ Obiena patuloy ang arangkada sa 2023
INANGKIN ni 2020+1 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang unang gintong medalya ngayong taon sa Golden Perche En Or Sabado sa Stab Velodome sa Roubaix, France. Nalampasan ng 27-anyos at kasalukuyang World No. 3 na si Obiena ang taas na 5.82 metro upang agad maitala ang season best nito sa ikalawang torneo pa […]
-
Fare hike sa mga pampublikong transportasyon, simula na– Department of Transportation
PORMAL nang ipatutupad ngayong Lunes, October 3, 2022, ang fare hike sa mga pampublikong transportasyon sa bansa ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ito ay matapos na maaprubahan na nga isinusulong na dagdag pamasahe ng mga operator at driver sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Pilipinas. Kaugnay nito ay muling […]
-
Ads December 3, 2020