Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa-DepEd
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
NANANATILING mababa ang enrollment para sa kasalukuyang school year.
Base ito sa pinakabagong data mula sa Department of Education (DepEd).
“As of Friday, Sept. 15,” makikita sa data mula sa Learner Information System (LIS) para sa school year 2023-2024 na umabot pa lamang sa 26,895,079 ang kabuuang bilang ng registered students para sa kasalukuyang school year.
Ang tatlong pangunahing rehiyon na may mataas na bilang ng enrollment ay mula sa Region IV-A na may 3,909,872 estudyante, sinundan ng Region III na may 2,955,216 at National Capital Region (NCR) na may 2,777,408.
Sakop ng enrollment data ang mga mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUSCs) na nag-aalok ng basic education at iyong nag-enroll sa Philippine schools overseas.
Kabilang din sa enrollment data ang mga nagparehistro sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).
Ayon sa DepEd, mayroong 330, 216 mag-aaral ang rehistrado sa ilalim ng ALS ngayong school year.
Sa kabilang dako, sa isinagawang paglulunsad sa 2023 Oplan Balik Eskwela, sinabi ng DepEd na inaasahan na nito na iwe-welcome ang 28 million learners sa 47,000 schools nito sa buong bansa.
Ang klase para sa SY 2023-2024 ay pormal na nagbukas sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa noong Agosto 29.
At nang hingan ng komento ang DepEd bakit mababa ang pigura ngayon ng mga nag-enroll, makailang ulit na sinabi ng departamento na ang enrollment ay isang “running number” and that the agency is anticipating more late enrollees.
Samantala, base sa enrollment data noong nakaraang taon, mahigit sa 28 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa basic education. (Daris Jose)
-
Chris Evans Reunites with ‘Knives Out’ star Ana de Armas in a BTS image from ‘Ghosted’
CHRIS Evans reunites with Knives Out star Ana de Armas in a behind-the-scenes image from their new movie Ghosted as it wraps filming. Plot details are being kept under wraps for the film but it is being described as a romantic action comedy in the same vein as Michael Douglas and Kathleen Turner‘s Romancing the Stone. Evans and de Armas are leading […]
-
Bestfriend and partners in crime: CASSY, tinawag na ‘DB’ si DARREN sa sweet birthday message
SA Instagram page ni Cassy Legaspi ibinahagi niya ang photos nila Darren Espanto, kasama ang video ng kanilang bonding moments. Mababasa rin ang birthday message ng Kapuso young star para sa Kapamilya singer na special na buhay niya, na nag-celebrate ng 22nd birthday. “Happiest happiest birthday to my best friend, partner […]
-
Red-Scare o Red-Tagging sa mga nag-organisa itigil na!
“Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay batay sa kakayahan”. Yan ang motto ng Maginhawa Community Pantry at ilan pang katulad nito na tinatangkilik ng mga nangangailangan at nagbibigay ng pangangailangan. Maraming natutulungan at tumutulong. Pero nabalot sa kontrobersya nang nag post sa official FB ng Quezon City Police District ng pag “red-tag” sa mga […]