• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Epekto ng pagtigil ng PRC sa swab testing ng mga OFWs, nakababahala – Bello

IKINABABAHALA ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang ginagawang swab test lalo sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa hindi pa nababayarang utang PhilHealth na umaabot sa P930 million.

 

Sinabi ni Sec. Bello, umaabot na sa mahigit 4,000 OFWs na dumating sa bansa kamakailan ang stranded sa mga hotels dahil hindi pa naisailalim sa swab o RT-PCR test.

 

Ayon kay Sec. Bello, kung dati ay nakaka-test sila ng mula 1,000 hanggang 3,000 OFWs kada araw sa pamamagitan ng Red Cross, ngayon ay umaabot na lamang sa 300.

 

Inihayag pa ni Sec. Bello na kapag mas matagal ang pananatili ng mga OFWs sa Metro Manila, mas malaking pondo ang nagagastos ng gobyerno at matinding perwisyo rin ito sa mga OFWs na gusto ng makasama ang kanilang mahal sa buhay sa mga lalawigan.

 

Umaasa si Sec. Bello na sana ay maayos agad ang gusot ng PhilHealth at Red Cross lalo mahigit 100,000 OFWs pa ang inaasahang uuwi ngayong taon.

 

Ikinababahala umano nila na maipon na naman ang mga OFWs sa Metro Manila at maantala rin ang pag-uwi ng iba pang stranded OFWs sa ibang bansa kung hindi maayos ang utang ng PhilHealth sa Red Cross.

Other News
  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]

  • PBBM, tinipon ang ‘functional’ gov’t sa kanyang first 100 days

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.     “I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has […]

  • Hinalintulad kung paano gawin ang isang Pinoy breakfast: Sen. IMEE, ipinakita kay BORGY at netizens ang proseso sa paggawa ng batas

    KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.     Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Sen. Imee at Borgy sa kanilang […]