• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Erolon pipirmi sa Falcons

TAPAT!

 

 

Mananatili sa pugad ng Adamson University ang AdU  High School Baby Falcon basketball player na si John Mathroven ‘Matty’ Erolon.

 

 

Nag-commit siyang sa AdU Soaring Falcons para lilipad para sa 84th University Athletic Association of the Philipines 2021-22.

 

 

Ito ay bilang pagganti ng utang na loob o pasasalamat sa kabutihan sa paghubog sa kanya ng eskuwelahan at koponan na maging basketbolista.

 

 

Kasalukuyang grade 12 senior high school na ang cage shooter at isinilang sa Dumaguete sa mahal na paaralan patungo sa pagpasok sa kolehiyo.

 

 

“Napagdesisyunan ko na mag-stay sa Adamson kasi malaki po ang utang na loob ko sa kanila,” bulalas Martes ng baller na pa-San Marcelino-based squad nagbuhat sa Asian College sa kanyang sinilangang lungsod noong 2019.

 

 

Nagtala ang 18-anyos ng 15.44 team-high points kasama ang 3.63 rebounds, 2.81 assists at 1.69 steals sa 82nd UAAP 2019-20 junior boys hoopfest. (REC)

Other News
  • Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO

    TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.     Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng […]

  • UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26

    MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.     Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP  na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa. […]

  • Paghingi ng political asylum ni Toque sa Netherlands, kinondena ng mambabatas

    KINONDENA ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na gagawing paghingi ng asylum sa The Netherlands. Naniniwala ang mambabatas na ito ay isang desperadong pagtatangka para maiwasan umano na mapanagutan ang alegasyon laban sa kanya ukol sa illegal POGO operations. “Atty. Roque’s asylum bid is nothing but […]