Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.
Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” ,
Subalit binigyang-diin niya na sa halip na isulong ni Drilon ang panukalang batas ay mas makabubuti aniya na kondenahin nito si Jose Ma. Sison,” founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).
“I have yet to see the bill. Condemn Jose Ma. Sison. He recited in a video his partners in his violent and terroristic grab for state power,” ang pahayag ni Esperon.
“Condemn the terrorists, not the victims and law enforcers,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, nag-alok naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng neutral stance o walang kinikilingan na paninindigan nang matanong sa isyu sabay sabing nasa kapangyarihan ni Drilon ang gumawa ng batas.
“Legislation is an inherent function of solons and we, in the AFP, recognize that. The good Senator Drilon is well within his mandate to draft bills to be enacted into law,” ang pahayag ni Maj. Gen. Edgard Arevalo, AFP spokesperson.
Sa ulat, naghain si Senador Drilon ng isang panukalang batas, na magbibigay definition sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.
Sa ilalim ng Senate Bill 2121 ng minority leader, layong i-criminalize ang red-tagging at magtakda ng parusa para dito, upang maayos ang legal gaps at matugunan ang impunity, at magkaroon ng accountability sa bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala, pinapakahulugan ang red-tagging bilang ang pag-label, paninirang-puri, pag-aakusa, pag-uusig, stereotyping, pangha-harass o caricaturing ng mga indibidwal, grupo o organisasyon bilang mga kalaban ng pamahalaan, makakaliwa, subersibo, komunista o terorista bilang bahagi ng anti insurgency o anti terrorism strategy.
Sino mang mapapatunayang guilty sa red-tagging, ay papatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang sampung taon, at posibleng hindi na payagang makahawak pa ng ano mang posisyon sa gobyerno.
Paliwanag ni Drilon, hindi sapat ang kasong libel o grave threat para sa red-tagging lalo at isang state agent ang gumagawa nito, kaya naman nagreresulta ito sa seryosong paglabag sa karapatang pantao gaya ng harrassment, arbitrary arrests, detention at enforced disappearances.
May ilang pagkakataon rin aniyang nagreresulta ito sa pagkamatay.
Umaasa ang senator, na sa tulong ng pagpapasa ng panukalang ito ay matitigil na ang tumataas na bilang ng human rights violations sa bansa, at ang mga pag atake sa mga miyembro ng legal profession sa Pilipinas.
Magsisilbi rin aniya itong paalala sa pamahalaan, tungkol sa pangunahing tungkulin ng gobyerno sa ilalim ng konstitusyon na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan. (Daris Jose)
-
Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold
Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan. Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon. “We are saddened to confirm that […]
-
Binanggit ang mga katangian at pagiging ‘miracle worker’… DINGDONG, nagdeklara na isang nanay ang kanyang iboboto sa Mayo 9
SA isang madamdaming pahayag para sa mga ina bago ang Mother’s Day sa Linggo, nagdeklara ang aktor na si Dingdong Dantes na ang isang nanay ang kanyang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9. “Sa inyo po ang aking buong pagpupugay …ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” wika ni […]
-
Hindi pa nakakapasok ang UK variant ng COVID-19 sa Metro Manila
Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila. Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na […]