Estudyante, 1 pa kulong sa 560 grams marijuana sa Caloocan
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P67K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ivan”, 26, stock man at alyas “Desiree”, 20, grade 10 student at kapwa ng Block 28 Lot2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.
Sa report ni Col. Lacuesta report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng tawag mula sa 911 ang desk officer ng Police Sub-Station 9 at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong illegal drig trade sa kahabaan ng Cartagena St., Tierra Nova Phase 3, Brgy., 171, Bagumbong.
Kaagad namang pinuntahan nina PCpl Robinson Oya at PCpl Arby John Figueroa ang nasabing lugar kung saan nakita nila sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawa ng 911.
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay tumakbo ang mga ito para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto dakong alas-10:35 ng gabi.
Nakuha sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 560 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P67,200.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pagkakaaresto nila sa mga suspek na kapwa mahaharap kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) at R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) (Richard Mesa)