• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA

DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India.

 

Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may isa pang dokumento na hindi pa rin nito naisusumite.

 

Ani Domingo, kailangan lamang na mapatunayan ng Indian pharma company na nasusunod ng kanilang factory ang mga good manufacturing practice.

 

Ngunit hanggang sa kasalukuyan  ay bigo pa rin itong makapagsumite ng sertipikasyong ito na kukunin nila sa inspecting body.

 

Sinabi pa ni Domingo na kung sakali’t makakuha na nito ang bharat biotech ay makasisiguro aniya ito na agad na gugulong ang proseso ng FDA para sa pagkakaloob ng EUA.

Other News
  • DA, patuloy na nakikipag-usap sa mas maraming LGUs para sa ‘nationwide’ NFA rice sale

    NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Agriculture (DA) sa ilang piling local government units (LGUs) para sa pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa buong bansa. Ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs, sa mga ahensiya ng gobyerno at government-owned-and-controlled corporations ay nagkakahalaga ng P36/kg., kabilang na ang bagong giling o iyong hindi pa tumatandang bigas, […]

  • DPWH Sec. Villar at DENR Sec. Cimatu, itinalagang bagong head ng task force na mangangasiwa sa rehab efforts

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina DPWH Secretary Mark Villar at DENR Secretary Roy Cimatu para  mangangasiwa sa Task force.   Dahil dito, malinaw na hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na pinalikha ni Pangulong Duterte na siyang tututok sa ikakasang rehabilitation efforts ng pamahalaan.   Sinabi ni  Presidential […]

  • Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman

    Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process.     Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]