Evangelista, Santor hinirang na MOS
- Published on September 26, 2024
- by @peoplesbalita
HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.
Nanguna ang 14-anyos na si Evangelista, Grade 10 student sa UST, sa boys’ 800m freestyle para sa kanyang pang-limang gold medal sa event na inorganisa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Speedo, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Nanalo rin si Evangelista sa 200m Individual Medley (2:18.45), 50m breaststroke (33.38), 100m freestyle (57.64) at 50m backstroke (31.77).
May limang golds din ang 16-anyos na si Santor mula sa mga panalo sa 800m freestyle (10:05,25), 200m freestyle (2:24.30), 200m IM ( 2:31.22), 200m breaststroke (2:50.68) at 100m freestyle (1:02.80).
Kinilala rin sina Makoto Nakamura ng S’Ace Seahawks at Jie Angela Mikaela Talosig ng Midsayap Pirates bilang MOS sa girls’ 11-yrs at 18-yrs old classes, ayon sa pagkakasunod.
Lumangoy si Nakamura ng apat na ginto at may tatlo si Talosig.
-
League of Provinces, pag-uusapan na gawing opsyonal ang pagsusuot ng COVID-19 face mask
PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19 kapag nasa labas. “Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga […]
-
Lacson, Gonzales nagbabala ng ‘destabilization’ kung mananalo si Marcos Jr. sa Halalan 2022
KAPWA nagbabala sina Presidential bets Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales sa posibleng mangyaring “destabilization” sa bansa kung mananalo sa pagka-pangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang press conference sa Manila Peninsula, araw ng Linggo, sinabi nina Lacson at Gonzales, kasama ang kapuwa presidential candidate na si […]
-
2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan
PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan umaga ng January 25, Miyerkoles. Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos. Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang […]