Ex-DBM procurement head ‘susi’ sa overpriced face mask, face shield
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang nagbitiw na si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na isiwalat ang mga nalalaman sa overpriced na face mask at face shield na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.
Naniniwala si Drilon na si Lao ang “missing link” sa natuklasan ng Commission on Audit na overpriced na mga medical supplies kabilang ang face masks at face shields.
Ayon kay Drilon, dapat gawin ang lahat upang magkaroon ng linaw sa isyu kung saan naglagak ang Department of Health (DOH) ng P42 bilyon sa DBM procurement service subalit kinuwestyon ng COA dahil sa kawalan ng documentary requirement.
“He leaves behind him so many questionable transactions which we will dig into. We will not leave any stone unturned in uncovering what could be a possible overpricing in procurement service,” ani Drilon
Si Lao ang dating pinuno ng procurement service ng DBM na ayon kay Drilon ay nanahimik buhat nang magbitiw sa puwesto noong Hunyo 2021.
Kung totoo umanong nagkaroon ng overpricing ay dapat ipaliwanag ni Lao o posibleng sangkot siya rito.
May posiblidad aniya na umabot sa P1 bilyon ang overpricing sa pagbili ng face mask at face shields.
Ayon kay Drilon, bumili ang DBM-PS ng 113,904,000 piraso ng face mask mula sa iba’t ibang supplier sa mataas na presyo kung saan umabot pa ito sa P27.72 bawat isa.
Ang nasabing halaga ay mataas umano ng P2 hanggang P5 sa suggested retail price (SRP) na inilabas ng DOH.
Nakasaad sa report ng COA na nagkakahalaga naman ng P120 kada piraso ang biniling 1,317,711 face shield ga- yong sa SRP ng DOH ito ay dapat P26 hanggang P50 lamang. (Daris Jose)
-
Dragons ibinunton ang galit sa Beermen
HINDI pumayag ang guest team na Bay Area na mahulog sa ikalawang sunod na kabiguan. Humakot si import Andrew Nicholson ng 39 points at 12 rebounds para banderahan ang Dragons sa 113-87 paggupo sa San Miguel sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Bumalikwas ang Bay Area mula […]
-
Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day
MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning. Nakuha ngang magpakilig ang […]
-
Official color ay fire orange na fave niya: JULIE ANNE, in-announce na ang bagong fandom name na ‘JAmantes’
IN-ANNOUNCE ni Julie Anne San Jose via social media ang bagong name at official color nito. Sa Instagram Reel ni Kapuso Limitless Star, marami raw siyang pinagpilian na fandom names tulad ng Adiks, Kahel, JUWels, and Symphonies. Pero ang napili niya ay JAmantes. At ang kanilang official color ay fire orange. […]