• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-FIFA President Blatter tinawag na isang pagkakamali ang pagiging host ng Qatar sa FIFA World Cup

TINAWAG  na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar.

 

 

Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers.

 

 

Napakaliit aniya ng bansa para doon gawin ang Football lalo na ang World Cup.

 

 

Ang 86-anyos na si Blatter kasi ang siyang nakaupo noon sa FIFA ng i-award sa Qatar ang hosting ng World Cup noong 2010.

 

 

Dagdag pa nito Blatter na ibinoto niya ang US noon para maging host at sinisi niya ang dating UEFA president na si Michel Platini dahil sa paglipat nito ng boto sa Qatar.

 

 

Sa ginawa noon ng executive committee ng FIFA ay nakakuha ang Qatar ng boto na 14-8 para pumabor sa hosting laban sa US habang ang Russia ay iginawad ang hosting noong 2018.

 

 

Nanungkulan si Blatter sa puwesto ng 17 taon at napilitan lamang ito ng bumaba sa puwesto noong 2015 dahil sa alegasyon na paglipat nito ng halagang $2.19 milyon kay Platini.

 

 

Magsisimula sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18 ang torneo kung saan magkakampeon ay makakatanggap ng $42 milyon na premyo, mayroong $40-M ang runner-up, $27-M naman third placer, $25-M sa fourth placer.

 

 

Ang makaabot ng Quarterfinals ay mayroong $17-M na premyo, $13-M naman sa Round of 16 at $9-M naman sa Group stage winners.

Other News
  • Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan

    BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019.   Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional […]

  • 30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara

    SUPORTADO sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.     Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin […]

  • BATAS ang MAKAKARESOLBA sa ISYU ng PMVIC

    Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road-worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?     Taong 1984 nang nagkaroon ng pilot test ang motor vehicle inspection station sa LTO Central at tinawag itong North Motor Vehicle Inspection Station (NMVIS).  Nadagdagan nito sa LTO Region 3, 4-A, 7 at 11.   […]