• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Mayor Elenita Binay inabsuwelto sa graft

INABSWELTO ng Sandiganbayan si dating Makati City mayor Elenita Binay sa graft and malversation charges kaugnay ng mahigit P9.9 milyong halaga ng biniling medical equipment.

 

 

Nakalusot sa criminal lia­bility si Binay matapos hindi napatunayan ng proseku­syon ang kanyang “guilt beyond reasonable doubt.”

 

 

Kasama rin sa mga akusado sina dating Makati City officials Conrado Pamintuan at Jaime de los Reyes na hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng hanggang 8 taon at sinentensyahan din ng “perpetual disqualification” sa anumang posisyon sa gobyerno.

 

 

Ang kaso ay isinampa ng Ombudsman noong 2011 kaugnay ng umano’y irregularidad sa pagbili ng cryosurgical units na may volumetric pressure pumps sa halagang P9.9 milyon na hindi dumaan sa public bidding para sa Ospital ng Makati. (Daris Jose)