• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos

HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte  bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration.

 

 

Si Marcos,  nakatakdang manumpa  bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30,  ay pinangalanan sina  outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III  bilang Chairman at Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

 

 

Itinalaga bilang  DOLE Secretary ni Pangulong  Duterte  noong 2016, dekada ng nasa public service si Bello at nagkaroon na rin ng iba’t ibang posisyon gaya ng Acting Secretary of Justice at kalaunan ay  Solicitor General noong 1998  sa panahon ng dating Pangulong Fidel Ramos.

 

 

Si Bello ay itinalaga bilang Cabinet Secretary ni dating  Pangulong  Gloria Macapagal-Arroyo mula  2004 hanggang  2010 at naging party-list Representative mula  2013 hanggang  2016.

 

 

Samantala, muli namang ninomina (nominated) ni Marcos si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang  Civil Service Commission (CSC) Chairman-designate.

 

 

Si Nograles ay kabilang sa Duterte ad-interim appointees na na-bypassed bunsod ng kakulangan ng  quorum  ng Commission on Appointments (CA) nitong buwan ng Hunyo.

 

 

Si Nograles, isang  abogado,  ay naging 1st district Representative  ng Davao City sa loob ng 8 taon bago pa siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  sa ilang posisyon sa  Executive branch.

 

 

Si Nograles  ay naging  Cabinet Secretary, IATF-IED Spokesperson, Acting Presidential spokesperson, at Chairman ng  Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

 

 

Kapwa naman makakasama nina Bello at Nograles ang lumalagong “pool of officials” na nananatili  mula sa  Duterte administration at ngayon ay napili  ni President-elect Marcos dahil  may magandang track records na makatutulong sa  nation-building.

 

 

Samantala, napili naman  si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief operating officer Jaime Bautista  ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang  incoming Transportation chief sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Kinumpirma ito ni incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez sa mga mamamahayag.

 

 

Papalitan ni Bautista si Arthur Tugade  bilang  DOTr chief sa pagsapit ng Hunyo 30. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 cases sa PNP tumataas

    Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.     […]

  • DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas

    TINIYAK  ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.     Ayon kay Bautista, pina­lawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa […]

  • Tom Holland & Daisy Ridley in First Trailer for ‘Chaos Walking’

    IT’S a new sci-fi film from the director of ‘Bourne Identity’ and ‘Edge of Tomorrow’!   The first trailer for the upcoming film Chaos Walking has been released!   Based on The Knife of Never Letting Go by Patrick Ness, this sci-fi film stars MCU’s Tom Holland and Star Wars actress Daisy Ridley.         […]