Ex-PNP Chief Eleazar, nakapaghain na ng CoC sa pagka-senador
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si dating PNP Chief Guillermo Eleazar para sa pagka-senador.
Pero una rito, naghain muna ng wtihdrawal sa pagtakbo bilang senador si Reporma senatorial aspirant Paolo Capino.
Kasunod nito ay pumasok na si Eleazar sa area kung saan tinatanggap ang mga dokumento para sa mga magwi-withdraw at magsa-substitute.
Kung maalala, si Eleazar ay kareretiro lamang na PNP Chief noong Nobyembre 13 at pinalitan siya ni Lt. Gen. Dionardo Carlos.
Samantala, kabilang din sa mga nagkahin ng substitution at withdrawal ang Moro Ako, Visaya Gyud, Kapamilya at Damayan Partylist.
Nag-withdraw naman sa senatorial race si Joseph Jocson.
-
CARLO, tahimik lang at wala pang reaction sa hiwalayan issue
PALAGING nahihigitan ng Asia’s Multimedia Star ang expectation sa kanya. Nagawa na naman ito ni Alden dahil sa kanyang Alden ForwARd online documentary concert noong January 30. Halos karamihan ng mababasang comment ay sinasabing, “It is your best concert to date, ginalingan masyado.” True to his words, ‘yung Richard […]
-
Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa
TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas. Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw. ”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 […]
-
Marcial kumukuha ng mga ideya sa NBA para sa PBA
BANTAY-SARADO sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games hinggil sa mga patong-patong na kaso na may kinalaman sa Coronavirus Disease 2019. “Minamatyagan namin nang husto kung ano ginagawa nila,” bulalas kahapon ni Commissioner Wilfrido Marcial. “Kung may maganda, i-a-adopt namin sa PBA.” Mas […]