• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Pres. Duterte, inaming iniutos ang pagpatay sa nanlalabang kriminal

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay mayor sa Davao ay inuutos nitong patayin ang mga kriminal kapag nanlalaban.

 

Aniya, hindi naman maaaring hayaan na ang mga pulis ang mapaslang ng criminal elements.

 

Gayunman, mariin nitong itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Davao Death Squad’ (DDS).

 

Giit naman ni former Senator Leila De Lima, may mga ebidensya na nagsasabing totoo ang ‘DDS’.

 

Ang nasabing grupo ang siya umanong responsable sa pamamaslang, alinsunod sa utos ni Duterte.

 

Samantala, ipinagtanggol naman ni dating chief presidential counsel Atty. Salvador Panelo si Duterte.

 

Sinabi nitong hindi illegal ang nangyaring ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.

 

Aniya, ginawa lang ng dating pangulo ang kanyang trabaho para protektahan ang mga Pilipino laban sa ipinagbabawal na gamot. (Daris Jose)

Other News
  • Channing Tatum Reunites with ’21 Jump Street’ Directors for New Monster Movie

    THE directors of ‘The Lego Movie’ will be directing Universal’s new monster flick! Actor Channing Tatum reunites with his 21 Jump Street directors Phil Lord and Chris Miller for a new thriller film. The yet-to-be-titled film from Universal has been described as a “modern-day, tongue-in-cheek thriller”. It is set to reinvent one of the most […]

  • Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na

    MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1.   Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame […]

  • Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

    MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.       Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]