• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-VP Noli de Castro, umatras na sa senatorial race

Babalik na lamang sa broadcast industry ang beteranong mamamahayag at dating vice president na si Noli de Castro.

 

 

Ito ang nilalaman ng statement ni De Castro (Manuel Leuterio de Castro, Jr.) na ipinaabot niya sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Magugunitang naghain si Kabayan ng certificate of candidacy (CoC) noong Biyernes, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, kung saan si Mayor Moreno ang standard bearer.

 

 

Ayon sa dating bise presidente, nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang mga plano sa mga nakalipas na araw, kaya minabuti nitong bawiin na lamang ang isinumiteng kandidatura.

 

 

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” wika ni De Castro.

 

 

Bago naging vice president noong 2004, nahalal muna siyang topnotcher senator noong 2001.

 

 

Pero makalipas ang termino bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Arroyo administration, bumalik siya sa media bilang tagapagbalita.

 

 

Marami naman ang nanghihinayang sa naging pag-withdraw ni De Castro ng kaniyang kandidatura. (Gene Adsuara)

Other News
  • Nag-react si Ogie at humihingi ng paliwanag: ALFRED, binabatikos dahil sa klase ng pamumulitika

    MARAMI ang nag-react at kung anu-anong negatibong komento mula sa netizens sa aktor at Q.C. District V Councilor na si Alfred Vargas. Ito ay kaugnay sa pahayag ng mambabatas tungkol sa istilo ng mga kalaban niya sa pangangampanya. Maski ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz ay napareak sa kumakalat na video ng konsehal. […]

  • ‘Kontrabida’ ni NORA, puwedeng pag-isipan na isali na lang sa Metro Manila Film Festival

    AFTER getting good reviews sa huling primetime show niyang The Lost Recipe, sa Afternoon Prime naman magpapakitang gilas si Kelvin Miranda.     Bida si Kelvin sa Loving Miss Brigette kung saan ka-partner niya ang bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez.     Kahit na baguhan, kinakitaan ng passion at enthusiasm to act si […]

  • Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang

    INAASAHAN ng OCTA Research Group na ma­kapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]