F2, Perlas sasalang din sa bubble training
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.
Target ng Cargo Movers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.
Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and Amusements Board (GAB).
Agad namang tutulak ngayong araw si GAB pro volleyball division head Reginald Capadera para magsagawa ng ocular inspection sa venue.
Sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements partikular na ang health protocols, posibleng mabigyan na ng go signal ang Cargo Movers para simulan ang ensayo.
Sa kabilang banda, nais ng Perlas Spikers na magsagawa ng training camp sa Baguio City.
Tinukoy ng Perlas ang St. Vincent Gym sa Naguillan Road bilang training venue ng tropa.
Nakapagsagawa na ng inspeksiyon ang GAB sa naturang venue gayundin sa magiging accomodation ng lahat ng players, coaches at staff.
Kaya naman nakaabang na ang Perlas Spikers sa magiging desisyon ng GAB para agad na masimulan ang ensayo.
Tiniyak ng Perlas Spikers na susunod ang lahat sa patakarang ipinatutupad sa Baguio City lalo na ang “no leisure walks” sa siyudad.
Gaya ng PBA teams, kailangan ng F2 Logistics at Perlas Spikers na sumailalim sa regular swab testing bago magsimula ang training camp.
-
Navotas at Valenzuela, naghahanda na sa paglalagyan ng bakuna sa COVID-19
Kabilang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang ang lungsod ng Navotas at Valenzuela ang naghahanda na ngayon ng paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa. Sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, […]
-
Globe Celebrates ‘Inside Out 2’ Movie Release With Special Offers
GLOBE is celebrating the highly anticipated theater release of Disney and Pixar’s “Inside Out 2” with special offers and events for the whole family to enjoy. The exclusive activities will bring together families and friends to create core memories through an unforgettable movie experience, offering a chance to win free tickets to […]
-
LTFRB: Magkakaroon ng “recalibration” sa PUVMP
MAGKAKAROON ng “recalibration” sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan upang bigyan tuon ang mga problema at concerns ng mga nagrereklamong operators at drivers ng public utility jeepneyes (PUJs). Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz sa isang hearing sa committee ng transportasyon […]