Face masks kailangan sa loob ng pribadong sasakyan maliban kung nag-iisa
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
Ang driver at mga pasahero sa loob ng pribadong sasakyan kahit na nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan mag-suot ng face masks.
Sa isang magkasamang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH) ay sinabi nilang kung nag-iisa naman ang driver sa loob ng sasakyan ay papayagan siyang alisin ang kanyang face mask o di kaya hindi mag-suot nito.
Subalit kung sila ay may kasamang isa (1) o mas marami pa dito, ito ay sapilitang ipatutupad sa mga pasahero at kailangan nila na mag-suot ng face mask kahit na ang kasama nila ay nakatira sa iisang bahay.
“This puts an end to questions on whether families or those living in the same household are exempted from the guidelines issued by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) on wearing of face masks inside vehicles,” wika ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran.
Ayon kay Libiran, papatawan ng multa at parusa ang hindi susunod o susuway sa nasabing kautusan. Pag-uusapan pa rin ng mga kasapi ng DOTr’s road sector ang tamang pagpapatupad ng nasabing batas.
“Proper coordination shall be made with and between the Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic, Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), other law enforcement agencies and local government traffic offices/units, concerning the proper implementation of the resolution and the imposition of appropriate fines and penalties for violations thereof, in accordance with existing law, rules and regulations,” ayon sa DOTr.
Sa kabilang dako naman si Sen. Grace Poe ay nakiusap sa IATF na muli nilang pag-isipan ang nasabing polisia sapagkat para sa kanya ito ay “simply ludicrous and unrealistic.”
Ayon pa rin sa kanya na ang pribadong sasakyan ay extension ng pamamahay kung kayat hanggang walang ibang tao sa sasakyan ito ay kanilang “private bubble.”
Dagdag pa ni Poe na ang face masks ay kailangan lamang sa pampublikong transportasyon at carpooling at hindi kailangan sa loob ng pribadong sasakyan na may sakay na miyembro ng parehong pamilya.
“I will bring up the matter when the committee on public services, which I chair, starts its inquiry on the latest policies of the DOTr this week,” saad ni Poe. (LASACMAR)
-
Light Rail Transit Line 1, magkaroon ng special train schedule sa Christmas at New Year’s Eve
INANUNSIYO ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang implementasyon ng special operating hours sa Christmas Eve at New Year’s Eve bilang paggunita sa nalalapit na holidays. Sa advisory, inihayag ng LRT-1 operator na sa Disyembre 24, Christmas Eve ang huling train service sa Baclaran […]
-
50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang
Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya. Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tinalakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito. […]
-
Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga
Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial. Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]