• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY

HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3  ayon sa  New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec).

 

 

Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol bago, habang, at pagkatapos nilang lumahok sa mga botohan sa Mayo 9.

 

 

Para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, sinabi ng Comelec na ang paggamit ng mga face shield ay boluntaryo, batay sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang 15 Nobyembre 2021, sa Protocols on the Use of Face Shields

 

 

Para sa mga botante na may temperaturang 37.5 degrees Celsius, dapat silang dalhin sa mga medical personnel na naka-deploy sa lugar ng botohan. Kung susuriin na may lagnat, maaaring pumunta ang mga botante sa Isolated Polling Places (IPP) para bumoto.

 

 

Hinihiling din sa publiko na obserbahan ang physical distancing ng hindi bababa sa isang metro.

 

 

Pagkatapos ay magpapatuloy sila sa Voters’ Assistance Desk upang makakuha ng presinto at sequence number; tumuloy sa lugar ng botohan; i-sanitize ang mga kamay sa sanitation station bago pumasok sa lugar ng botohan; ibigay ang kanilang numero ng presinto at sequence number at bumoto.

 

 

Samantala, ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ay nakiisa sa panawagan ng iba pang stakeholders para sa paghirang ng mga karampatang at tapat na kalalakihan at kababaihan sa tatlong bakanteng posisyon — Chairperson at dalawang Komisyoner — sa Comelec.

 

 

“The 2022 National and Local Elections are less than three months away, and will be conducted under extreme safety and health challenges; an open process will help reinforce public trust to the Comelec as an institution; a transparent appointment process, with focus on qualifications and suitability for the job, will help dispel concerns that the Comelec as a constitutional body will be composed of individuals that only come from the President’s hometown, or who are inside the President’s inner circle,” dagdag ng grupo

 

 

Sinabi ng Namfrel na bilang tagapangasiwa ng proseso ng halalan sa Pilipinas, “dapat palakasin ang Comelec, at dapat mag-imbita ng tiwala at paggalang ng sambayanang Pilipino.”

 

 

Sinabi nito sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging bukas at transparent ang proseso ng appointment, mag-iiwan ang Pangulo ng pangmatagalang pamana ng isang malakas, independyente, at kapani-paniwalang Comelec.

 

 

Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina acting chairperson Socorro Inting, Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay. GENE ADSUARA 

Other News
  • Tonga magpapatupad ng lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

    SASAILALIM sa lockdown ang Tonga matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.     Ayon kay Prime Minister Siaosi Sovaleni na nagmula ang pagkalat ng virus sa dalawang empleyado ng pier at nahawaan na nila ang kanilang mga kaanak.     Isa ang Tonga sa nakakontrol ng virus kung saan noong 2020 ay agad nilang […]

  • Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer

    Cancer remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer.       The good news […]

  • Ihahatid ang pinaka-nakakikilabot na content sa vlog: Sen. IMEE, tatalakayin ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing ‘Araw ng mga Patay’

    ISANG nakatatakot na Halloween long weekend ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang official YouTube channel dahil bibigyan niya ang kanyang online Imeenatics ng pinaka-nakakikilabot na content to date.   Ngayong Oktubre 28 (Biyernes), sa kanyang vlog entry na pinamagatang ‘Pammati ti Ilokano’, makakasama ng Senadora ang isa sa mga paborito niyang partner sa […]