Face shield hindi na mandatory sa mga pampublikong transportasyon
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagbigay alam ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampulikong transportasyon tulad ng public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR).
Sa ilalim ng Alert Level 3 at below hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shields at sa mga lugar na may Alert Level na 1 at 2.
“This comes after President Duterte approved the guidelines recommended by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),” wika ng DOTr.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Mediadelia na sa nilagdaan niyang memorandum noong Nov. 16, ang pagsusuot ng face shield ay hindi na mandatory sa mga lugar na may Alert Levels 1,2 at 3 at ito ay magiging voluntarily na lamang.
Sa mga lugar naman na may Alert Level 4, ang mga lokal na pamahalaan at mga pribadong establemiento ay binigyan ng discretion sa paggamit ng face shields. Para naman sa mga lugar na may pinakamahigpit na Alert Level, ang paggamit ng face shield ay mandatory pa rin.
Dagdag pa ni Mediadelia na ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim pa rin ng lumang community quarantine system ay may kanikanilang discretion sa pagpapatupad ng batas tungkil sa paggamit ng face shield.
Nilinaw naman ng DOTr na kahit na hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield, ang mga pasahero ay pinapayuhan at pinaaalahanan na kailangan pa rin nilang sumunod sa pagsunod ng minimum public health standards sa mga pampublikong transportasyon.
Kabilang dito ang paggamit ng face masks, mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, parating pagkakaron ng sanitation sa mga pampublikong sasakyan, pagbabawal sa paguusap at pagkain sa loob ng mga sasakyan. LASACMAR
-
Huwag nang hintayin pa ang ‘last minute’
UMAPELA ang pamahalaan sa mga motorista na huwag nang hintayin pa ang “last minute” para makakuha ng radio frequency identification (RFID) stickers at maipakabit sa kanilang sasakyan. Bahagi ito ng paghahanda para sa cashless scheme sa mga major toll roads simula sa Disyembre. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iniurong ng Department […]
-
Ads September 13, 2023
-
Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna. Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]