• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA

Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19.

 

 

Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon.

 

 

“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay,  at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks at face shield,” ayon kay PMA president Dr. Benito Atienza sa isang panayam sa Dobol B TV.

 

 

Ginawa ni Atienza ang komento matapos na hilingin ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na huwag nang i-require ag pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar kundi gamitin na lamang ito sa pagtungo sa mga pagamutan.

 

 

Binanggit pa ng alkalde na ang Pilipinas na lamang umano ang nagre-require sa paggamit ng face shields kumpara sa ibang bansa.

 

 

Unang nang sinopla ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon para huwag gamitin ang face shields  dahil na rin sa mababa pa rin ang porsiyento nang nababakunahan sa bansa.

 

 

Tutol din dito ang DILG, maging si Infectious diseases expert Dr. Edsel Salvanan.

Other News
  • Okay pa rin ang relasyon nila ni Yen: PAOLO, nilinaw na edited video ang kumalat na sweetness nila ni ARRA

    MAHAL namin si Paolo Contis kaya nababahala kami kapag iniisyuhan siya ng pagiging playboy.     Kaya mabuti naman at nag-guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ at sa harap mismo ng King of Talk ay kinlaro niya ang mga tsismis tungkol sa kanya.     Sa segment na ‘Talk Or Dare’ sumalang si […]

  • Inagurasyon ni Marcos Jr., gagawin sa Ilocos o Maynila- PNP OIC

    MAAARING idaos ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa Ilocos Region o sa Maynila.     “Yung kay Sir Bongbong naman po, I think it will be either Ilocos or dito po sa area ng Manila,” ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.     “So we […]

  • Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’

    ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”.       Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon.       Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai […]