Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAY paghahanda nang ginagawa ang of Education (DepEd) para sa limited face-to-face classes.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng bawal pa rin ang nasabing set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase sabay paglilinaw sa naging pahayag ng CHED.
Aniya, na-iquote daw kasi si CHED Chairman Popoy De Vera na inaprubahan na daw ng IATF ang limited face-to-face classes na pinapayagan sa mga low risk areas.
Subalit para kay Sec. Roque, walang ganoong direktiba at naghihintay pa sila ng instruction tungkol dito mula sa Presidente.
Maging si DEPED Secretary Leonor Briones ani Sec. Roque ay nagsabing wala nilang approval ang programa ni VP Leni Robredo na face-to-face class gayung ito aniya’y bawal pa rin.
“Hindi po, naghihintay pa po tayo ng instruction sa Presidente. Bagama’t mayroon pong paghahandang ginagawa ang DepEd, hindi pa po allowed ‘yan dahil hindi pa po pumapayag ang Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Nilinaw nga po ni Secretary Briones na iyong programa ni VP na mayroong face-to-face, wala po iyang approval ng DepEd at iyan po ay ipinagbabawal pa,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
’HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ LAUNCHES OFFICIAL TRAILER
NETFLIX has released the official trailer for the animated feature “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story.” Watch the official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=k2EDRB7U6_I&feature=emb_logo About Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story: Nimfa Dimaano (Angelica Panganiban), the pretty pussycat is a perfume sales kitty at a department store. Her boy- friend, Roger (Robin Padilla), the […]
-
Polidario, Magdato wagi
IBINAON nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport. “Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league […]
-
Ads November 5, 2022