Face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum, “may happen sooner than expected” – Malakanyang
- Published on July 7, 2021
- by @peoplesbalita
IBINALITA ng Malakanyang na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum “may happen sooner than expected” dahil ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumarami na.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos iulat ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng 11.7 million doses ng coronavirus vaccines “as of July 4.”
Aniya ang desisyon ni Pangulong Duterte na huwag munang magdaos ng face to face classes ay dahil sa banta ng COVID-19.
“The President has decided that for now, with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ‘yung kalusugan ng mga kabataan (He doesn’t want to put the children’s health at risk). But this will not be the same forever,” ayon kay Sec. Roque.
Inulit ni Sec. Roque na nais ni Pangulong Duterte na mas maraming tao ang mabakunahan bago pa magdesisyon na ibalik ang face-to-face classes.
“Ang sabi naman ng Presidente, ‘Gusto ko munang mabakunahan ang ating mga taumbayan.’ As to how many, hindi natin sigurado po,” aniya pa rin.
“But with 12 million of our people being vaccinated and with some cities of Metro Manila hitting 70, even 100 percent of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot,” dagdag na pahayag.
“Antayin lang natin ma-administer pa itong mga bakuna na ito,” ani Sec. Roque.
“As of July 4,” ang pamahalaan ay nakapag-administer ng 11,708,029 doses ng COVID-19 vaccines na may 2,868,905 indibidwal na nakatanggap ng dalawang required shots.
Ang kabuuang doses na naibakuna sa 18th week ng national vaccination ay umabot sa record high na 1,642,615 doses.
Samantala, hinikayat naman ng gobyerno ang lahat ng nabibilang sa priority groups na A1 hanggang A5 na magparehisto sa kanilang local government units, magpabakuna na at kompletuhin ang required number ng doses gaya ng itinakda.
Palagi namang ipinaaalala ng Malakanyang sa publiko na ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards, kahit ano pa ang vaccination status, upang maiwasan na kumalat ang COVID-19. (Daris Jose)
-
Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika
WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.” […]
-
Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide
Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena. Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal. Ito ay isang […]
-
CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’
MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano. Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman […]