Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR).
Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa.
Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning activities.
Sa mga rehiyon naman na nasa labas ng NCR kung saan tumataaas din ang COVID-19 cases, maaari aniyang magdesisyon ang mga hospital directors kung sususpendihin din nila ang face-to-face rotation alinsunod sa anunsyo ng APMC o impormasyon mula sa national government, Department of Health(DOH), Inter Agency Task Force o local government units.
Para naman sa clinical clerkship programs, sinabi ng APMC na wala itong partikular na direktiba para sa Commission on Higher Education (CHEd), kaya ang suhestyon nito ay ang mga deans ng mga ospital ang magdedesisyon kung dapat na rin ba nilang suspendihin ang face-to-face rotation.
Nagpaalala naman ang APMC sa lahay na sundin ang Universal Pandemic Precaution (UPP) kaugnay ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng mga kamay, at disinfection.
Inabisuhan na rin nito ang mga indibidwal na maaaring magpabakuna laban sa COVID-19 na magpaturok na bilang dagdag proteksyon mula sa nakamamatay na virus. (Gene Adusuara)
-
Pilipinas, mayroon nang mahigit 68.6 milyong registered voters sa 2025 NLE at BARMM parliamentary polls
UMAABOT na umano sa mahigit 68.6 milyon na ang rehistradong botante sa bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE), gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections. Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, hanggang nitong Oktubre 31, 2024, mayroon nang kabuuang 68,618,667 rehistradong […]
-
47 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS SA NAVOTAS POSITIVE SA COVID
Nagpositibo sa COVID-19 ang 47 sa 209 health protocol violators na nadakip mula March 16-19, 2021 sa Navotas city. Nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test penalty sa mga lalabag sa safety protocols kabilang curfew, pagsuot ng face mask, at social distancing. “This […]
-
212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng […]