Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
- Published on October 30, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.
Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.
Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya bilang social media company pero sa kanilang dugo ay sila ang kompanya na gumagawa ng teknolohiya para ikonekta ang mga tao.
Paglilinaw nito na mananatili pa rin ang kanilang social media apps gaya ng Instagram, WhatsApp at ang Facebook.
-
PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA
PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao. Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical […]
-
Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE
PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City. Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling ulat […]
-
Pinas walang naitalang COVID-19 surge – OCTA
ISANG linggo matapos ang isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa. Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, ito ay bumaba rin naman. […]