Fajardo, iba pang maaangas kikilalanin ng PBA Press Corps
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
PAMUMUNUAN ng tatlong manlalaro at coach ng San Miguel Beer ang mga mga gagawaran ng parangal sa sabay na idaraos na Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) 2019 and 2020 via virtual Special Awards Night 2021 sa sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City sa Marso 7.
Ipinahayag Miyerkoles sa People’s BALITA ni PBAPC president Gerardo Ramos ng Spin.ph. na kinansela ang 2019-2020 PBAPC Awards Night dahildahil sa pandemyang COVID-19 sapul pa noong Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.
Si Beermen coach Leovino Austria ang recipient ng 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy, habang ang mga player niyang sina June Mar Fajardo ang mag-uuwi ng Order of Merit trophy, Terrence Romeo sa Mr. Quality Minutes at Arwind Santos na isa sa lima nagwagi para sa All-Interview Team.
Kasama rin 2019 honor roll list sina Sean Michael Anthony ng NorthPort (Defensive Player of the Year), Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng dating Terrafirma bago na-swap kamakailan sa SMB (Scoring Champion), NorthPort vs. NLEX (Game of the Season);
Swak sa All-Rookie Team sina Perez, Batang Pier Robert Lee Bolick, Jr., Bobby Ray Parks, Jr. ng Talk ‘N Text, Javee Mocon ng Rain or Shine, at Abu Jaha Tratter ng NLEX (All-Rookie Team), kasama naman ni Santos sa AIT sina Road Warrior Kiefer Isaac Ravena, NorthPorts’s Christian Karl Standhardinger, Beau Michael Vincent Belga ng RoS, dating Alaska player at ngayo’y Phoenix Super LPG, Vic torino ‘Vic’ Manuel, at NLEX coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.
Pati sina PBA D-League Finals Most Valuable Player Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng Aspirants’ Cup at Hesed Gabo ng Foundation Cup.
Inaanunsyo pa ang 2020 Philippine Cup Outstanding Coach of the Bubble, Executive of the Year, President’s Award, Mr. Quality Minutes, Scoring Champion, ART, Game of the Bubble, Top Bubble D-Fender at All Bubble D-Fenders. (REC)
-
PBA fans puwede na sa Araneta Coliseum
Muling bubuksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang pintuan para sa mga fans sa susunod na linggo. Ito ay matapos bigyan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng ‘go signal’ ang PBA para muling maglaro sa Smart Araneta Coliseum sa unang pagkakataon matapos ang 45th season opening noong Marso 8 ng 2020. […]
-
Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños
UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco. Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]
-
Kakaiba at very special ang role sa ‘Pamilya Sagrado’: SHAINA, happy na kasama ang mga respetado at magagaling na artista
GABI-GABI na nating napapanood sa TV5 ang “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Joel Torre, John Arcilla at Shaina Magdayao. Kakaiba sa mga dating role ang ginampanan dito ni Shaina bilang Grace Malonzo. “It’s very special. It is a […]