Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer.
Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.
Tiniyak ng Beermen coach na sure ball naman ang pagbabalik-aksiyon ng six-time professional league para sa nalalapit na import-less season-opening conference
Kasunod ang pahayag ni Austria araw para 31-anyos, 6-10 ang taas na sentrong basketbolistang na sinuri at binigyan na ng go signal ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.
Missing-in-action rin sa nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchise player ng Beer ang Cebuano cager dahil sa leg injury noong February 2020.
Garahe siya sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel.
“I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” lahad ng 62 taong-gulang na bench tactician ng serbesa.
Pagtatapos ni Austria: “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.”
***
Belated Happy Chinese New Year po mga mahal kong mambabasa ng Opensa Depensa at ng People’s BALITA po.(REC)
-
4 Olympic medalists, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Senado
Ginawaran ng kauna-unahang Philippine Senate Medal of Excellence ang apat na Filipino medalist sa nakaraang Tokyo Olympics sa bansang Japan. Ito na ang pinakamataas na parangal mula sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Dumalo sa awarding si weightlifter at Olympics goldmedalist Hidilyn Diaz, boxer silver medalist Carlo Paalam, silver medalist Nesthy […]
-
CINE EUROPA IS SCREENING 19 FILMS ONLINE UNTIL NOVEMBER 29!
CINE Europa, Europe’s biggest and most exciting film festival is now back in the Philippines from 31 October to 29 November. The pandemic is not about to stop the film festival but in effect has provided an occasion to turn a challenge into an opportunity. This year, Cine Europa brings 19 films from […]
-
Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’
MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease. Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila […]