Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis
- Published on June 11, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.
May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo.
“Marami na kaming ginagawa na mga footwork drill ng physical therapist namin para makuha ko ulit ang kumpiyansa ko,” wika Martes ng 31 taong-gulang, 6-10 ang taas na sentro mula sa Cebu sa 2OT podcast. “So far maganda naman ang movements ko. Sana tuloy-tuloy. May one month pa naman ako para mag-prepare.”
Tinataya ng basketbolista na makukuha niya ang full game-shape niya bago ang import-less season-opening conference sa Ynares Center sa Antipolo o Ynares Arena sa Pasig.
Labis din ang pasasalamat niya na nabigyan ng pagkakataong muling makalaro pagkaraang mabalian ng alulod sa praktis noong Pebrero 2020 na nagpaliban sa kanya buong ika-45 edisyon ng propesyonal na liga sa nasabing taon.
“Masaya ako, lagi ko ipinapasalamat kay God na binigyan ulit ako ng chance na makapagbasketbol uli,” ang hirit ng six-time PBA MVP. “Kasi nga, nakakatakot ang nangyari sa akin, eh. Binigyan Niya ako ng second chance na makabalik. Kaya gagawin ko ang best ko para makuha ko old form, o mas mataasan ko pa ang nilalaro ko dati.” (REC)
-
Eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18: KIM at PAULO, itatampok ang tatak Pinoy na kilig sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’
UMAAPAW na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18. Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino. “As proud […]
-
Ads September 23, 2021
-
5 puganteng dayuhan, inaresto ng BI
LIMA pang mga puganteng dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa upang harapin ang kanilang mga kaso. Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa mga inaresto ay isang American, isang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Koreano sa magkakahiwaay na operasyon ng BI fugitive […]