Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO
- Published on January 31, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon.
Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre. 11, 2023, na nagdeklara naman sa Pebrero 10, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa Chinese New Year.
Ang pinakabagong proklamasyon, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, maituturing na ang nasabing linggo ay isang “long weekend” at kauna-unahang long weekend ng taon.
Base sa Proclamation No. 453, ang holiday ay idineklara para pahintulutan ang mga mamamayan na magdiwang ng Chinese New Year.
“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Inaatasan ng Proclamation No. 453 ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.
Ang Chinese New Year ay tanda ng pag sisimulan ng bagong taon traditional lunisolar Chinese calendar. (Daris Jose)
-
‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos
SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya. Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan. Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na […]
-
Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN
KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na nai–report sa isang major daily noong January 30. Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa […]
-
Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account
KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa. Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong. ‘Yun nga […]