FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila. Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay. Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng mga mass-transport tulad ng tren o MRT.
Kailangan din mapaghandaan ito upang ang apektadong mga public transport na may ruta doon ay hindi ma-displaced at hindi mawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto sa mga ang linya nila at maaaring mabawasan ang pasahero na pupunta na sa mass-transport system. Kaya kailangan maaga pa lang ay maihanda na ang mga bagong ruta para hindi maging ka-kumpetensya ng tradisyonal na public transport ang mass-transport bagkus maging complementary ang bawat isa sa pagsisilbi sa riding public.
Ano ang mga byahe na bubuksan para makarating sa stations ang mga pasahero? Saan ang kanilang mga terminal? At iba pang isyu. Bilyong piso ang gagastusin sa mga infrastructure ng mass-transport. Sana bahagi sa gagastusin ay ang tulong sa mga maaapektuhang drivers at operators. (Ariel Enrile-Inton)
-
Jeep vs dump truck: 2 patay, 15 sugatan sa salpukan
PATAY ang 2 pasahero at sugatan ang 15 iba pa, kabilang ang driver, ng isang jeep matapos sumalpok sa isang dump truck sa westbound Lane ng Marcos Highway, Barangay Dela Paz, Pasig City. Dead on arrival ang biktimang si Jenny Ann Clariño, 21, at pumanaw na rin ang 31-anyos na foreman na si Joseph […]
-
PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City
BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.
-
AIKO at MARTIN, nagkaroon ng reunion sa 14th birthday ng kanilang anak na si MARTHENA
NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng veteran actor na si Orestes Ojeda sa edad na 65. Pancreatic cancer ang naging sakit ng aktor at pumanaw siya noong Martes, 4:13 PM sa isang ospital sa Taguig City. Ang anak ni Ojeda na si Lois Nicole Pagalilauan ang nagkumpirma sa nangyari sa […]