Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team.
Sinabi ni Fernando na habang hindi pa natutuloy ang plano nitong Bulacan Sports Academy dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang layunin niyang palakasin ang mga Bulakenyong atleta.
“Gusto kong magkaroon ng advance learning and technology ang mga manlalarong Bulakenyo, pero sa ngayon, nang imbitahan tayo ng NBL, kinuha natin ‘yung opportunity na palakasin ‘yung ating mga homegrown basketball players at i-develop ‘yung kanilang discipline, sportsmanship and humility,” ani Fernando.
Ayon naman kay Cardenas, naniniwala siya at sumusuporta sa gobernador at nais din niyang ipakita na kayang makipaglaban ng mga Bulakenyo sa propesyunal at pambansang liga.
Samantala, sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na makakaasa ang lahat na sinusunod nila ang mga protokol sa kalusugan at palaro ngunit inaasahan din niya na ang mga atleta na rerespetuhin nila ang mga opisyal at iiwas sa anumang gulo sa palaro.
Ipinaliwanag naman ni NBL Executive Vice President Rhose Montreal na inimbitahan nila ang gobernador dahil batid nila ang pagmamahal nito sa isports kung kaya naman nailunsad ang proyektong Bola Kontra Droga ilang taon na ang nakararaan.
“We believe na kapag si Gob ang nag-handle mas magiging maayos at maalagaan ang team,” ani Montreal.
Bukod dito, inanyayahan din ni NBL Vice President for Operations Commissioner John Edward Aquino ang mga nangangarap maging propesyunal na manlalaro na ituloy ang kanilang mga pangarap.
“The only requirement is the PSA to prove that you really are a homegrown in that area. Apart from that sa age, since professional league na 21-35 na, and everyone will get a license from GAB, not just that coach and players but everyone in the team, and that is a matter of privilege, ibig sabihin ‘pag may ginawa kang mali at after maimbestigahan, pwedeng bawiin,” paliwanag ni Aquino.
Naitatag ang NBL noong 2018 bilang isang developmetal league at unang professional homegrown league sa mundo na naglalayong paghusayin ang talento ng mga homegrown na atleta ng mga bayan, lungsod o lalawigan na magsisimula sa Abril.
Kahanay na ng NBL ang Philippine Basketball Association at Chooks-to-Go 3×3 sa listahan ng mga professional leagues sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na magkaroon ng exposure at hindi upang makipagkumpetensya sa kapwa nila propesyunal na paliga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID
INIHAYAG ng mga eksperto na maliban sa mga matatanda at mga tinaguriang may commorbidities ay kasama ang mga nagpalipas pa muna ng ilang mga araw bago magpatingin sa duktor ang dahilan ng mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID 19. Sinabi ni Dr […]
-
Warriors Andrew Wiggins sa ‘di pagpabakuna: ‘It’s my problem not yours’
Agaw atensiyon ngayon sa mga mamamahayag si Golden State Warriors swingman Andrew Wiggins dahil sa pagmamatigas pa rin nito na hindi magpabakuna laban sa COVID-19. Natanong sa media day si Wiggins kung paano na lamang na maging ang kanyang sweldo ay baka maapektuhan sa hindi nito pagpa-vaccine. Sagot naman ni Wiggins, […]
-
Pinay tennis star Alex Eala umangat ang WTA ranking
Umangat ang Women’s Tennis Association (WTA) rankings ni Filipina tennis ace player Alex Eala. Mula kasi sa dating 715 ay nasa 662 na ito. Inilabas ang nasabing ranking isang linggo ng sumabak ang 15-anyos na si Eala ng magkakasunod na laban sa W60 Bellinzona. Ito na ang pangalawang beses […]