Fernando, ipinag-utos na pag-ibayuhin ang istratehiya kontra COVID-19
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa ginanap na Joint PDRRMC and C/MDRRMOs’ 3rd Quarter Meeting via Zoom kahapon, iniutos ni Gob. Daniel R. Fernando na sundin ang kanyang direktiba na pag-ibayuhing maiigi ang istratehiya ng lalawigan laban sa COVID-19 kabilang ang prevention, detection, isolation or quarantine, testing at treatment.
Partikular niyang tinukoy ang koordinasyon sa lahat ng lokal na yunit ng pamahalaan sa lalawigan para sa contact tracing at isolation o quarantine.
Aniya, “kailangan ko ang aktibong paggawa ng bawat isa sa kanilang tungkulin”.
Inatasan din niya ang Provincial Task Force COVID-19 partikular na ang Health, Response at Law and Order Clusters na tukuyin ang anumang kakulangan o posibleng magiging problema sa mga ipinatutupad na protocols upang agarang masolusyunan.
Dagdag niya, napakahalaga din ang paggabay at pagtulong sa mga kababayan ng pagkakaisang gagawin ng mga lokal na ehekutibo, PNP, C/MDRRMO, MHO at ng mga pamahalaang barangay.
Kabilang sa tinalakay ang pagkakaroon ng bawat bayan at lungsod ng operational quaratine o isolation na pasilidad.
Tinawag niya ang atensyon ng mga punong lungsod at bayan hinggil sa pagtatalaga ng kanilang sariling quarantine na pasilidad. Ayon pa kay Fernando, pabor din siya sa “No Home Quarantine” dahil mas maiiwasan nito ang hawahan sa pamilya ngunit kung puno na ang mga pasilidad, tsaka lamang maaaring mag-isolate sa bahay.
“Makatutulong po ng malaki ang pagkakaroon ng pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19 sa pagpigil sa paglobo ng mga positibong kaso. Gayundin, katuwang po ninyo kami sa paghahatidng mga asymptomatic na pasyente ng COVID-19 sa mga quarantine facilities,” ani Fernando.
-
LeBron unang may edad na NBA player na nagbuhos ng 43-pts at 14 rebounds sa panalo ng Lakers
Buwena mano sa kanyang selebrasyon ng ika-37 kaarawan, muling nagpakitang gilas sa kanyang performance ang superstar na si LeBron James upang bitbitin sa panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Portland Trail Blazers, 139-106. Nagbuhos si LeBron ng season-high na 43 points at 14 rebounds para sa kanilang ika-18 panalo. Batay […]
-
Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan
NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘generally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan […]
-
Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors
SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin […]