• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess

TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na  Kasparov Chess Foundation University Cup via online.

 

 

Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si International Master Harshit Raja ng India.

 

 

Sumosyo ang FEU-Manila A sa ikapitong puwesto kasama ang National Technical University of Athens A, (Greece), St. Louis University A (United States) at Moscow Institute of Physics and Technology A, (Russia) na may 6.5 points each.

 

 

Pero pagkapatupad ng tie break points, nagkasya sa 10th place ang reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champion team na ag ibang miyembro ay sina Jeth Romy Morado, Rhenzi Kyle Sevillano, John Merill Jacutina at alternate Kristian Glen Abuton.

 

 

“We are so fortunate despite of the pandemic the FEU Sports programs continues especially in Chess. We owe our success to FEU management,” suma ni national women’s squad at FEU coach Grandmaster Jayson Gonzales, na pinasalamatan din sina FEU chairman Aurelio Montinola III at athletic director Mark Molina sa suporta sa koponan. (REC)

Other News
  • Rep. GERALDINE ROMAN, tinalakay ang ‘pro-women issues’ sa Bangkok Forum

    MAGLAKBAY sa Bangkok, Thailand kasama si Bataan District 1 Representative Geraldine Roman habang ibinabahagi niya ang mga highlight ng kanyang paglahok bilang Pinuno ng Delegasyon ng Kapulungan sa 30th Asia Pacific Parliamentarians Forum.     Dumalo siya sa Women Parliamentary Sessions upang pag-usapan ang mga hakbang sa pag-asenso ng kababaihan matapos ang COVID-19.     […]

  • MEET CHANG’E, CHIN, AND GOBI IN THE NEWEST ‘OVER THE MOON’ TRAILER!

    OVER the Moon is the newest animated musical film coming to Netflix, and it’s set to launch globally this October 23!   Just a month before it premieres, Netflix drops the second trailer to the film. This time, it gives us a glimpse on our main characters — Fei Fei, Chin, Chang’e, and Gobi — […]

  • Donaire aminadong nayanig kay Inoue

    INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.     Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]