FIGHT FOR LOVE
- Published on June 22, 2023
- by @peoplesbalita
PART 6
UMABOT sa general alarm ang sunog. Ibig sabihin lahat ng fire stations sa buong kamaynilaan at mga karatig lugar ay obligadong magresponde. Isang warehouse ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas ang nasunog. Nagsimula ang sunog kalagitnaan ng madaling araw.
Dahil na rin sa uri ng materyales na nakaimbak sa warehouse ay sadyang napakalaki at napakalawak ng naging sunog. Kahit pa lahat ng mga karatig baryo ay rumesponde, inabot pa rin ng 8 oras bago idineklara ang “fire out”.
Mataas na ang sikat ng araw nang humupa ang apoy na tumupok sa buong warehouse. Laking pasasalamat ng mga katabing kabahayan at tindahan na hindi sila nadamay. Walang casualty na naiulat ngunit mayroong mga sugatan.
Kabilang sa mga sugatan si Max. Sa ospital na nagkamalay si Max. Nagtamo siya ng laceration sa kanang braso at kanang binti. May bumagsak na yero na ndi niya nagawang iwasan.
Sa pagkakataong iyon ay walang nakapigil kay Max sa pagsama sa pagresponde. Dahil nang maganap ang sunog ay wala si Dylan. Nasa Davao City ito para sa three day seminar. Huling araw na ng seminar nang maganap ang sunog.
Nang magising si Max ay nakabandage na ang binti at braso niya. Hinimok siya na mag stay sa ospital ng at least ay three days ngunit tumanggi si Max. Matapos siya pumirma ng waver ay nagpasya siya umuwi na sa boarding house.
Hatinggabi nang mabulabog ang tulog ni Max ng sunud-sunod na katok. Laking gulat niya nang ang mapagbuksan ng pinto ay si Dylan. May ilang segundong titigan na namagitan sa kanila ni Dylan. At sa dulo ay nakita na lang ni Max ang sarili na mahigpit nang yakap ni Dylan.
Sa umpisa lang tila naasiwa si Max. Unti-unti waring mabilis na tumugon nang kusa ang kanyang katawan.
Hinayaan niya si Dylan na yakapin siya nang mahigpit. Hinayaan niya ang sarili na buong ipaubaya kay Dylan ang lahat ng karapatan, na gawin sa kanya ang ano mang naisin nito sa mga sandaling iyon.
Saglit pa at nakapikit na ang dalawa. Dama ni Max ang napakalakas na kabog ng dibdib ni Dylan. Kasing lakas din ng kabog ng dibdib niya. Ang isang palad ni Dylan ay nadama niyang sumapo at humaplos sa likuran ng ulo niya. Habang ang isa pang kamay nito’y walang tigil sa paghaplos sa likuran niya.
Maya-maya’y naramdaman niya ang mainit na hininga ni Dylan sa isa niyang tenga.
“Kung may nangyari sa ‘yo na higit pa dito…paano na ‘ko?”
Sapat ang ibinulong na iyon ni Dylan upang lubusan niyang maunawaan ang lahat. Ang lahat-lahat from day 1.
Matagal nang nakaalis si Dylan ngunit ang mga eksena ay nagpaulit-ulit wari sa pagrewind sa utak ni Max. Nakapikit ngunit kay luwang ng ngiti ni Max habang nakahiga sa kanyang kama. Nang idikit ni Dylan ang labi nito sa labi niya, nalimutan niya bigla ang sitwasyon, Nang palalimin ni Dylan ang halik, gustong niyang ibulong kay Dylan na sana huwag na itong tumigil pa. Ngunit sa lalim at diin ng halik nito walang kapiraso mang kataga ang makahuhulagpos pa sa bibig niya. Kaya pinili niyang ipikit na lang ang kanyang mga mata. (ITUTULOY…)
-
24 senador pinalagan ‘People’s Initiative’ para sa Charter change
NILAGDAAN ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas. Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People’s […]
-
PBBM, tinitingnan ang mas malakas na ugnayan sa agrikultura sa Chile, malapit na kolaborasyon sa WHO
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na agricultural cooperation kasama ang Chile at mas malapit na pagtutulungan sa World Health Organization (WHO) pagdating sa post-pandemic era. Ito’y matapos na magkaroon ng hiwalay na pakikipagpulong sina Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren at WHO Regional Director for the Western Pacific […]
-
PBBM, nakikita ang mababang power rates sa Mindanao sa paglulunsad ng WESM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paglulunsad ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Mindanao ang magsisilbing hudyat para sa investments at economic activity sa rehiyon, partikular na sa manufacturing at iba pang energy-intensive industries. Ayon sa Pangulo, ang WESM sa kalaunan ay makalilikha ng hanapbuhay at oportunidad para sa mga […]