• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.

 

“It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging Asian Juniors champion noong 2021. “But it’s racing, you know what it is.”

 

Si Gusti Bagus Saputra ng Indonesia ang nanalo ng ginto sa 33.919 segundo, kung saan si Coo ay kinapos lamang ng .20 segundo sa likod at isa pang Indonesian na si Rio Akbar, na inuwi ang tanso sa oras na 34.346.

 

Labing-isang (11) riders ang sumabak sa final round.

 

Naapektuhan ang mga atleta at coach mula sa mga dayuhang koponan dahil sa maikling pahinga sa pagitan ng mga motos, quarterfinals at finals.

 

“It was so hot and was super hard to cool down,” sabi ni Coo, na magiging 21 taong gulang sa Marso 17. “We were given only some 15 minutes break in between races, unlike in other races and in the US where there are breaks of one hour or more.”

 

Nakakuha si Coo ng 86 na puntos ng International Cycling Union mula sa posibleng 100.

 

Ang susunod para kay Coo ay ang Thailand BMX Cup 2 na isang C1 UCI race din na nag-aalok ng mga puntos sa pagraranggo tulad ng Jakarta event sa Marso 19. (CARD)

Other News
  • 39, nagpositibo sa COVID sa Senado; 168, naka-quarantine

    Balik muna sa online ang karamihang aktibidad ng Senado.     Kasunod yan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasa 39 na staff ng mataas na kapulungan ng Kongreso.     Maliban dito, may 168 na iba pang naka-quarantine makaraang ma-expose sa mga kasamahang infected ng nasabing sakit.     Ayon kay Senate President Tito Sotto, […]

  • PDu30, magiging abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag- Christmas break

    WALANG pahinga at mananatiling sabak sa trabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang bago mag- Christmas break.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nitong pagkakaabalahan niya ang tambak na mga dokumento na kailangang basahin at pirmahan.   Ang dalangin lang ng Pangulo ay wala sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil siguradong  […]

  • FINAL TRAILER OF “MORBIUS” UNLEASHES THE DARKNESS INSIDE

    “LET go of what you used to be. Discover who you’re meant to be.”  Columbia Pictures has just released the final trailer of its upcoming Marvel action-thriller Morbius starring Jared Leto.       Check it out below and watch Morbius exclusively in Philippine cinemas March 30.   YouTube: https://youtu.be/ZOjXgec3gdw   About Morbius   One of Marvel’s most compelling and conflicted characters […]