Fil-Am sprinter Kristina Knott nagpositibo sa COVID-19
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpositibo sa COVID-19 si Filipina-American sprinter Kristina Marie Knott.
Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng anunsiyo na ito ay nag-qualified sa 2020 Tokyo Olympics.
Sinabi ni Philip Ella Juico, pangul ng Philippine Athletics Track and Field Association na fully vaccinated na si Knott at siya ay asymptomatic.
Kasalukuyan na ito ng naka-isolate ang 25-anyos na si Knott.
Nakamit nito ang pagpasok sa Olympics ng magtagumpay siya sa university placs sa women’s 200-meter ng World Athletics.
Nagwagi ito ng dalawang gold at dalawang silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.
Si Knott ay siyang p ang-15 Filipino na nakapasok sa Tokyo Olympics na kinabibilangan ng mga boksingerong sina Eumir Marcial, , Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, golfer Juvic Pagunasan, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, at shooter Jayson Valdez.
-
Voters Registration, idinaos sa Kampo
IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw […]
-
VP Sara, hindi magbibitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment
HINDI kailanman sumagi sa isip ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment complaints na isinampa laban sa kanya. “Wala pa tayo doon. Masyado pang malayo ‘yung mga ganyan na mga bagay,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference. Sa ulat, sinabi ni House Secretary-General Reginald Velasco […]
-
KRIS, itinanggi na nakipagbalikan kay MEL dahil tapos at naka-move na; mga dahilan isa-isang isinambulat
SINAGOT ni Kris Aquino ang IG post ni Manay Lolit Solis tungkol sa balitang baka magkabalikan sila ni Mel Sarmiento. Say ni Manay Lolit, “May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang […]