Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
NABIGO ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship.
Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.
Tiyak na rin ang Filipinas sa semifilnals na makakaharap ang mga top teams ng Group B sa pagitan ng Vietnam o Myanmar.
Gaganapin din ang semifinal rounds sa darating na Hulyo 15.
No.1 NBA pick Paolo Bancherro pinatigil muna ng Orlando Magic sa summer league matapos ang 2 impresibong games
Pinatigil na muna ng Orlando Magic ang pagsali ng kanilang No. 1 pick na si Paolo Bancherro sa ginaganap na summer league.
Ang pag-pull out kay Bancherro ay kasunod na rin ng dalawang impresibo nitong laro.
Nagdesisyon ang Magic na pagpahingahin na si Bancherro makaraang mag-average ng 20 points, 6 assists at 5 rebounds sa dalawang games sa La Vegas.
Sa ngayon nais ng koponan na bigyan din ng tiyansa ang iba pa nilang players na patunayan din na magpakitang gila
Para naman kay Bancherro kontento na rin siya sa kanyang inilaro kahit panandalian lamang.
-
Maraming kanta ang paborito nila bilang grupo: JIM at BOBOY, mami-miss lalo si DANNY sa kanilang 50th anniversary concert
KUWENTO ng APO Hiking Society members na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo na mayroon silang mga personal na paborito mula sa kanilang hit songs na nagsilbing daan para sa pag-usbong ng Original Pinoy Music. Sa ‘Surprise Guest with Pia Arcangel’, sinabi nina Jim at Boboy na hindi lang isang kanta ang […]
-
Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban
MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title. Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito. Ilan dito ay sina WBO junior […]
-
Philippine Society of Oncologist Annual Convention Media Forum
Health Forum Identifies Collaboration and Innovation as Key to Drive in Cancer Care THE fight against cancer in the Philippines is evolving, thanks to the collective efforts of healthcare providers, government agencies, local government units, and patient advocates. The media forum titled ” Synergizing strengths and collaborative efforts to drive progress and innovation in cancer […]