• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Filipino healthcare workers, mas gusto ng mga world leaders- PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na biktima ng sarili nitong tagumpay ang Pilipinas sa gitna ng kakapusan ng healthcare workers dahil marami sa mga ito ang nagpupunta sa ibang bansa para maghanap ng mas maayos na sweldo sa trabaho.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sinabi niya sa isang pulong kasama ang Business Executives for National Security (BENS) nang tanungin ukol sa business opportunity sa Philippine healthcare system.

 

 

“Unfortunately, in terms of healthcare workers, we have become victims of our own success in that the Filipinos did really  well during the pandemic. And so, every leader I meet says  ‘can we have more Filipino med techs, doctors, and nurses?’ So we’re having ashortage here,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Gayunman, kumikilos naman ang Department of Health (DoH) para pagaanin ang problema.

 

 

“One of the things our Department of Health has come up with is that we are coming to an arrangement with countries who will accept Filipino healthcare workers to at the same time train the equivalent number of healthcare workers that will stay in the Philippines,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Target din ng administrasyon na bilisan ang board examinations upang makalikha ng mas maraming healthcare workers.

 

 

“We are trying to accelerate the board examinations of nurses so we can actually put out more. So that’s the adjustment that we are trying to make. So it’s not only in the facilities, it’s also in the training. We are very proud of them but we wish they’d stay home,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Hindi naman lingid sa lahat na ang mga healthcare workers ay “underpaid” sa Pilipinas, dahilan para marami sa mga ito ang sumusubok na magtrabaho sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai

    PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.     Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may […]

  • Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy

    LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan.   Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong […]

  • PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE

    ANG  pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo  sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo. Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational […]