• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First artist na may apat na ‘Album of the Year’: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa 2024 Grammy Awards

BILANG beterana na sa showbiz, sinabi ni Janice de Belen na ang mahalagang aral na kanyang natutunan sa pagiging aktres ay ang pagrespeto sa oras ng iba.

 

 

“Discipline. Listening. And coming on time. Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30. There are times naging 7 o’clock pa ‘yan. Kasi takot na takot akong ma-late,” sabi pa ni Janice.

 

 

Ayon sa aktres, kawalan ng galang sa ibang tao ang pagiging late.

 

 

“Because for me, the biggest disrespect to another person is when you don’t show up on time.”

 

 

Binalikan ni Janice ang pinagbidahan niyang drama series na “Flordeluna” noong 1980s, at nakaribal din ang pumanaw na aktres na si Julie Vega.

 

 

Pag-reveal ni Janice, si Julie pala dapat ang gaganap na bida ng Flordeluna at siya yung dapat ang kontrabida na si Wilma.

 

 

Pero hindi raw natuloy si Julie as Flordeluna sa RPN 9 dahil kinuha siya para maging bida sa Anna Liza sa GMA 7. Kaya kay Janice na raw binigay ang bida role.

 

 

Masuwerte rin si Janice dahil nakatrabaho ang mga mahuhusay na batikang direktor na nagsipanaw na tulad nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Danny Zialcita, Maryo J. delos Reyes, Mel Chionglo at Peque Gallaga.

 

 

“I was lucky to have worked with them. Yung mga bagong henerasyon ng artista ngayon, they will never get that chance dahil wala na sila.”

 

 

***

 

 

BINISITA ni Jinkee Pacquiao ang panganay nila ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Emmanuel Pacquiao Jr. or Jimuel sa Los Angeles, California.

 

 

Nasa L.A. si Jimuel para sa kanyang training na naging isang professional boxer tulad ng kanyang ama.

 

 

Hindi nasamahan ni Pacman si Jinkee pero ang kambal ni Jinkee na si Janet ang sumama at ilang miyembro ng pamilya niya.

 

Post ni Jinkee sa IG: “From Manila to Los Angeles. Reunited again with my son @pacquiao.emmanuel. Thank you LORD! #Godisgoodallthetime #thankyouJESUS #ILoveYouLord.”

 

 

Nagkaroon ng mother-son bonding ang dalawa sa L.A. Kumain sila sa isa sa sikat na restaurants roon at namasyal at nag-shopping ang mag-ina sa Rodeo Drive.

 

 

***

 

 

TAYLOR Swift makes history at this year’s Grammy Awards for becoming the first musical artist to win the Album of the Year four times!

 

 

Naungusan na ni Taylor ang mga naka-tie niya sa naturang category na sina Stevie Wonder, Paul Simon and Frank Sinatra na may tig-tatlong Album of the Year awards.

 

 

Ni-reveal din ni Taylor ang new album niya coming out on April 19 titled The Tortured Poets Department.

 

 

“It makes me so happy. All I want to do is keep doing this. I want to say thank you to the fans by telling you a secret that I’ve been keeping from you for the last two years.

 

 

“For me, the award is the work. All I want to do is keep being able to do this. I love it so much. It makes me so happy. It makes me unbelievably blown away that it makes some people happy who voted for this award too,” sey ni Taylor na napanalunan din ang Pop Vocal Album award for Midnights.

 

 

Wagi rin sina Miley Cyrus at Billie Eilish also sa Grammys. Ang “What Was I Made For?” ni Billie ang nagwaging Song of the Year.

 

 

“Everybody in this category – that was a crazy list of incredible people, incredible artists, incredible music. I feel crazy right now,” sey ng singer.

 

 

The song also won Best Song Written for Visual Media, while the Barbie album – which was put together by producer Mark Ronson – picked up the award for Best Compilation Soundtrack for Visual Media.

 

 

Ang Record of the Year award ay napunta sa “Flowers” ni Miley Cyrus na nanalo rin ng Best Pop Vocal Performance.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Delta variant ng COVID-19 magiging ‘dominant’ na sa loob ng ilang buwan – WHO

    Asahan na magiging dominant strain ng virus sa susunod na mga buwan ang Delta variant ng COVID-19.     Ito mismo ang naging pagtaya ng World Health Organization (WHO) matapos na maitala ang nasabing Delta variant sa 124 territories.     Dagdag pa ng WHO, maaaring mahigitan nito ang ibang variant na siyang kakalat sa […]

  • PAGTATAYO NG REGIONAL CENTER HOSPITAL SA CAVITE, IPINANUKALA

    HINDI na kinakailangan lumuwas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Speciality Center Hospital sa mga probinsiya. Bunsod nito, sinabi ni  Senator Imee Marcos na pabor siyang  pondohan ang pagpapatayo ng isang  Regional Specialty Center  Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th […]

  • Ads April 24, 2024