First collection ng Brazilian designer, matagumpay na nailunsad: ALEXIA, kahanga-hanga ang pagpapahalaga sa T’nalak ng T’boli Tribe
- Published on April 1, 2025
- by @peoplesbalita

Matagumpay ngang nailunsad ng fashion designer ang kauna-unahan niyang koleksiyon, ang EON Collection kamakailan sa Reserve Bar, Pasig City, na kung saan bukod sa T’nalak, ay ipinagmamalaki rin niya ang kakaibang tinahing damit mula sa mga ukay-ukay na inirampa ni Alexia kasama ang mga international model.
“I’m launching my sustainable lifestyle brand, along with it’s first fashion collection. The purpose of the project is to support indigenous communities in the Philippines,” pahayag ni Alexia na dinala nila ng kanyang partner, ang aktor/entrepreneur na si Billy James Cash sa Maynila ang 12 miyembro ng Indigenous People mula sa Dream Weavers para maging bahagi ng paglulunsad ng kanyang mga disenyo.
Ang Alexia Núñez Designs ay nilikha na may pananaw na pagsamahin ang sining na may layunin, na inspirasyon ng mayamang tradisyon ng Pilipinas at isang malalim na pangako sa pangangalaga sa kapaligiran.
“Through our designs, we aim to blend creativity with activism, making a lasting impact on the communities we serve and the planet we cherish!,” pahayag ni Alexia na naging bahagi rin pala ng hit teleserye ni Coco Martin na “Batang Quiapo” noong 2024.
“Can you imagine all of these pieces? They are made from ukay-ukay, all recycled materials. Lahat. No single waste, everything, thrift shop, used ones, old ones, people would just throw away, garbage.
“Would you say this is an old jacket, this is a curtain but not right? So I hope you feel inspired to, you know… I hope you look at the beautiful culture you have here in the Philippines. You know, I hope you value the culture you have, I hope you value the indigenous people, their traditions because it’s also yours. It’s also mine.
“It’s okay, I come from Brazil, it’s true. But you know what, we’re the same, just one source, it’s love, it’s God. It’s one planet. We share the same air, we share the same ocean, the same sky.
“It doesn’t matter where you come from, it doesn’t matter what your religion is, your political decisions, you know. It doesnt matter, your color of skin, your gender, as long as you’re connected with love. You’re bringing good. That’s all we need, all we need is love. Maraming, maraming salamat po,” mahabang pahayag pa ni Alexia.
Ang Alexia Núñez Designs ay isinilang mula sa isang pananaw na paghaluin ang sining na may layunin, na inspirasyon ng mayamang pamana ng Pilipinas at isang pangako sa pagpapanatili.
Anim na taon na ang nakalilipas, nagsimulang magtrabaho si Alexia sa mga proyektong panlipunan sa Brazil, na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap na bata at kababaihan. Nag-promote din siya ng mga hakbangin sa pagpapanatili sa gobyerno ng Brazil at nakakuha ng karanasan sa pribadong sektor, pagbuo ng mga komunidad at pag-aayos ng mga kaganapang pangkalusugan.
Ngayon ay nasa Pilipinas, ipinagpatuloy ni Alexia ang kanyang misyon na lumikha ng positibong pagbabago, gamit ang kanyang mga disenyo para magkaroon ng pangmatagalang epekto sa mga tao at sa daigdig.
Iginiit pa ni Alexia na isa lamang siyang instrumento o channel upang ipakita sa mundo ang kagandahan ng art with a purpose.
“The vision is to merge art with purpose, inspired by the rich traditions of the Philippines and a deep commitment to environmental stewardship. Through our designs, we aim to blend creativity with activism, making a lasting impact on the communities we serve and the planet we cherish.”
Pahayag pa ni Alexia, noong unang dalaw niya sa ’Pinas, kapag magtatanong siya kung saan magandang pumunta, ang laging sagot sa kanya ay Palawan at Boracay.
Pero aniya, mas na-in love siya nang mapadpad sa Mindanao, lalo sa Lake Sebu, South Cotabato, tahanan ng T’boli tribe at Dream Weavers.
“It’s priceless. hope that you feel inspired to believe in yourself, connect with nature… this is a call to action. This is a movement, this is a community. This is for a higher purpose.”
Sa ngayon ay wala pa silang physical store para sa kanyang kakaibang designs. Sa ipinamigay ng t-shirts na may tatak at logo ng Alexia Nuñez Designs, ipinagmamalaki niya na gawa ito sa Pilipinas na katatatag lang sa taong ito.
For sure, marami pa siyang designs na ipi-print sa t-shirts, bukod pa sa pants, blouse at katutubong kasuotan, na tiyak na hahangaan at dapat nating suportahan.
Aabangan namin ang paglulunsad ng kanyang mga ginawa, kapag meron siya na silang tindahan o puwesto na puwedeng puntahan.
Mabuhay kay Alexia!
(ROHN ROMULO)
Other News
-
US dinagdagan ang bilang ng mga sundalo na ipapadala sa Europe
DINAGDAGAN ng US ang kanilang sundalo na ipinadala sa Europa ngayong linggo dahil sa panganib na paglusob umano ng Russia sa Ukraine. Ayon sa Pentagon, mayroong 2,000 na sundalo na galing sa Fort Bragg, North Carolina ang ipapadala sa Poland at Germany. Kinabibilangan ito ng 1,700 miyembro ng 82nd Airborne Division […]
-
Ads September 2, 2021
-
Lakers dismayado sa no call ng ref laban sa Celtics
Kinuha ni Lakers guard Patrick Beverley ang isang courtside camera sa pagsisikap na ipakita kay referee Eric Lewis ang alam na ng lahat ng nakapanood ng replay: Na-foul si LeBron James sa kanyang hindi nakuhang layup sa pagtatapos ng regulasyon. Sa halip na makuha ang tawag, nabigyan si Beverley ng technical foul na nagbigay […]