• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First Family, magkakasama ngayong Holy week- Malakanyang

MAKAKASAMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pamilya ngayong Holy Week.nnTiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ‘family time’ ang kahaharapin ng Pangulo ngayong Semana Santa.nn nn”Naitanong po natin at siya po ay makakasama niya po ang kanyang pamilya, he will spend his time with his family,” ang sinabi ni Castro sabay sabing “Ang mga detalye ay hindi ko na po maibibigay, iyon lang po.”nn nnHindi naman aniya sinabi sa kanila kung saan magho-Holy Week ang First Family.nn nn”Opo, basta he will spend his time, during his holy week, most probably starting Thursday. Opo, pero iyon lang po, itong holy week na po ay bibigyan niya po naman ng oras ang kanyang pamilya para po sila’y magkasama-sama, dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo, sa kanyang mga activities, so iyan po,” ang pahayag ni Castro.nn nnSa kabilang dako, bagama’t may iskedyul na ang First Family para sa kanilang bonding ay sinabi ni Castro na hanggang araw ng Miyerkules Santo ay may mga aktibidad pa rin ang Pangulo sa loob at labas ng Malakanyang.nn nn”Sa aking pagkakaalam, mayroon din pong magaganap dito sa Palasyo, pero mga meetings lang po. So, i-include po natin iyong mga meetings,” ang winika ni Castro. (Daris Jose)

Other News
  • Mayor Jeannie nakipag-ugnayan sa DBP para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic development

    UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Development Bank of the Philippines (DBP) para ilunsad ang programa ng bangko na tumutulong sa pagpopondo sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan psa epektibong pagpapatupad ng mga programa.       Nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval at […]

  • DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

    MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?   Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.   Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting […]

  • Ads October 12, 2024