• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First four official entries, inihayag na: SHARON, ALDEN, DINGDONG at MARIAN, ilan lang sa pagpapaningning ng ’49th MMFF”

SA Facebook post ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inihayag ang first four official entries para sa ika-49 edisyon ng MMFF na magsisimula sa December 25, 2023.

 

 

Sa taon ito ay nakatanggap ang MMFF ng 26 script mula sa 32 production companies.

 

 

Kaya naman pinasalamatan ni Don Artes, ang concurrent acting chairman ng MMFF at Manila Development Authority (MMDA), ang mga filmmaker sa pagsuporta sa yearly festival.

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Artes, “I am sure our selection committee will have hard time choosing among the scripts. But I am also confident that the best among the best will be chosen.”

 

 

Ayon sa MMFF, ang pagpili sa Top 4 scripts na isasama sa film festival ay batay sa mga sumusunod na pamantayan: artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural sensibility (10%), at global appeal ( 10%).

 

 

At ang apat na lumusot ang mga sumusunod:

 

“A Mother and Son’s Story” (Drama) ng CineKo Productions, Inc. na mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario. Pagbibidahan ito nina Megastar Sharon Cuneta at Alden Richards.

 

 

“K(Ampon)” (Horror Thriller) ng Quantum Films, directed by King Palisoc and written by Dodo Dayao. Pagtatambalan ito nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay.

 

 

“Penduko” (Fantasy Action) ng Viva Films/Sari Sari Network, na mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana. Bida rito si Matteo Guidicelli at si Cristine Reyes ang kanyang leading lady.

 

 

“Rewind (Romance Drama) ng ABS-CBN Film Productions, Inc., directed by Mae Cruz-Alviar and written by Enrico Santos. Ito ang reunion movie nina Kapuso Primetime Queen and King Marian Rivera at Dingdong Dantes.

 

 

Samantala, ang deadline para sa natapos ng pelikula kung saan pipiliin ang natitira pang apat na opisyal na entry sa 49th MMFF ay sa Setyembre 29.

 

 

Congrats at Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.

 

 

***

 

 

SPEEd, NAGDIWANG NG 8TH ANNIVERSARY SA PAMAMAGITAN NG OUTREACH PROGRAM

 

 

PARA sa mas makabuluhang pagdiriwang ng ika-8 na anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), muling nagsagawa ang grupo ng outreach program nitong nagdaang Biyernes, July 7.

 

 

Dumalaw at nagbigay ng donasyon ang SPEEd, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis (People’s Journal), kasama ang iba pang opisyal at mga miyembro nito, sa dalawang charitable institution sa Bulacan.

 

 

Unang binisita ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ang Bethany House Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto na nag-aalaga at nagbibigay proteksyon sa mga batang wala nang pamilya o kamag-anak.

 

 

May 30 kabataan ang naninirahan sa Bethany House Sto. Niño Orphanage na pinamumunuan ni Sister Emelita Cruz. Siya ang laging punung-abala sa pagtanggap sa mga nagnanais magpaabot ng tulong sa mga batang kanilang kinakalinga at pinag-aaral.

 

 

Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Emmaus House of Apostolate na matatagpuan sa Malolos, Bulacan kung saan may 60 lolo at lola ang naninirahan at inaalagaan.

 

 

Bukod sa financial assistance, ilan pa sa mga naiabot na tulong ng grupo ay food and medical supplies, cleaning materials, vitamins, adult diapers, at iba pang kagamitan na magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.

 

 

Naging katuwang sa SPEEd Outreach 2023 sina Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm at BlancPro, Ms. Cris Roque ng Kamiseta, Unilab Corporation at Pascual Laboratories na mula noon hanggang ngayon ay hindi nagsasawang sumuporta sa mga makabuluhang proyekto ng SPEEd. Nagpapasalamat din ang grupo kina Manay Lolis Solis, Hon. Bulacan Gov. Daniel Fernando, San Miguel Corporation, Jollibee, Universal Robina Corporation, Mr. Mark Parlade at Ms. Rosbel Buñag ng Stratworks, Ms. Dee Chanco ng Maris Pure Water, Ms. Lotlot de Leon, Ms. Susan Joven, Mr. Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Mr. Edd Fuentes, Lamoiyan Corporation at Ms. Bebot Santos ng Colorete Clothing.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pangakong P10B ni PDu30, huhugutin sa calamity, contingency fund, 2022 GAA —DBM

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutan na ang P10-billion aid para sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “For the P10 billion which the resident mentioned, the P2 billion is already available under the NDRRMF which is the long name of the calamity […]

  • Tiangco brothers nagpasalamat kay Sen. Go sa binigay na tulong sa mga nasunugan sa Navotas

    NAGPAHAYAG ng kanilang taos pusong pasasalamat si Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco kay Senator Bong Go sa ibinigay niyang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa naturang lungsod.     Personal na binisita ni Senator Go para kamustahin ang kalagayan ng nasa 106 mga pamilyang nawalan ng tirahan […]

  • ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK

    WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.   Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.   […]