• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time lang niya marinig ‘yun: JULIA, hindi pa natanong ng ‘will you be my ex?’

DAHIL ‘Will You Be My Ex?’ ang titulo ng kanilang pelikula, natanong si Julia Barretto kung may nasabihan na ba siya ng “Will you be my ex?”

 

Wala raw.

 

“Actually first time ko lang marinig yang question na will you be my ex, actually in doing this film.

 

“So definitely not,” at tumawa si Julia na gumaganap bilang si Chris sa pelikula, kasama sina Diego Loyzaga bilang Joey, Divine Aucina bilang Jonjie, Juan Carlos Galano bilang si Jed at Bea Binene bilang Yanna.

 

“I’m focusing right now on sharing the word about the film, this is a movie that we’re very much proud of so as much people we can share this movie about, the better,” dagdag pang sinabi ni Julia na natanong kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon.

 

May gagawin rin daw siyang isa pang bagong pelikula sa Hulyo.

 

Samantala, noong natanggap pala ni Julia ang script ng ‘Will You Be MY Ex?’ ay um-oo agad ang aktres at pumayag na gawin ang pelikula.

 

“You know it took me… I had a one year wait because I didn’t see any of the films that were presented to me initially, fitting for me. So ito yung isa sa mga pelikula na na-pitch sa akin na without reading the script.

 

“More or less I knew to myself na gagawin ko siya.

 

“So binigay sa akin yung script, I think that was just the icing on the cake.”

 

Ipalalabas ang ‘Will You Be My Ex’ sa mga sinehan ngayong June 21, sa direksyon ni Real Florido at mula sa Studio Viva, Firestarters Production at Viva Films.

 

***

 

 

UNANG beses na inamin ni Ricky Davao na in love siya.

 

 

Naganap ito sa mediacon ng pelikula niyang ‘Monday First Screening’ ng NET25 Films kung saan si Gina Alajar ang leading lady ni Ricky.

 

 

Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon pero hindi niya gaanong ikinukuwento sa ilang kaibigan.

 

 

Basta meron daw nagbibigay ng inspirasyon at nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

“Di ba, si Charlie Chaplin ikinasal when he was eighty nine yata o eighty eight years old? Tapos si Robert de Niro… So, very timely lang talaga itong Monday First Screening.

 

 

“Ano lang, kailangan lang maging happy,” pahayag ni direk Ricky.

 

 

Sa direksyon ni Benedict Mique ang ‘Monday First Screening’ ay tungkol sa dalawang senior citizens na nagkain-love-an nang magkakilala sa libreng sine para sa mga senior citizen tuwing Lunes.

 

 

At nakatutuwa dahil nandun sa mediacon/screening ang girlfriend ni Ricky pero hindi niya ito itunuro kahit kanino, gusto nilang pribado lang ang kanilang relasyon dahil hindi naman taga-showbiz ang girl.

 

 

“It’s an open book. Kaya lang ako, I’m not very open about it. Ayoko naman magsinungaling.

 

 

“I’m very very outgoing person, but when it comes to myself, my family life, and my love life, siguro I share a bit.

 

 

“Even my closest friends, sina Tirso [Cruz III], sina Rez [Cortez], Michael [de Mesa], biglang nagugulat, ‘Ay, meron ka na pala!’

 

 

“Parang need-to-know basis, hindi ko inaano,” sinabi pa ni direk Ricky.

 

 

Inaayos na ang streaming via Netflix ng ‘Monday First Screening’ pero hindi pa sigurado kung ipapalabas ito s amga sinehan.

 

 

Magpapa-block screening muna sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88

    PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos.     Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.     Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa.     Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, […]

  • 2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY

    HINATULAN  na ng korte ang dalawang  kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking.     Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 .     Taong 2019 nang maaresto ng […]

  • Laking gulat na nakapag-perform sa sold-out crowd: CHRIS ROCK, no comment at ‘di ina-accept ang apology ni WILL SMITH sa social media

    NAKARAMDAM ng pagmamahal ang comedian na si Chris Rock nang mag-perform ito sa sold-out crowd sa Wilbur Theater in Boston.      Ang comedy tour niyang ito ay naganap ilang araw lang pagkatapos ng controversial slap sa kanya ni Will Smith sa nakaraang Oscar Awards.     Hindi raw inasahan ni Rock na mapupuno niya […]