• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na makakasama sa movie si Barbie… EUGENE, balik-teatro na sa musical na ‘Into The Woods’ kasama si LEA

BAGONG BFFs na ngayon sina Barbie Forteza at Eugene Domingo.
Pareho nilang paborito ang sport na tennis at nag-enjoy sila sa laro nila.
“Ang saya saya!!! Thank you for giving me time this morning!!” comment ni Uge sa pinost ni Barbie sa Instagram.
First time na magkasama ang dalawa sa Netflix film na ‘Kontrabida Academy’ na dinirek ni Chris Martinez.
Hindi siguro aware sina Barbie at Uge na nagkasama na sila noon sa “Bangungot” episode ng ‘Shake, Rattle & Roll 9’ in 2007.  Wala nga lang silang eksenang magkasama.
Si Barbie ang gumanap na batang Roxanne Guinoo sa flashback scene at si Uge naman ang nagbibigay babala tungkol sa bangungot sa present day Roxanne.
After ng two movies sa 50th MMFF (‘Espantaho’, ‘And The Breadwinner is…’), babalik sa theatre si Uge via the musical ‘Into The Woods’ in August kasama si Ms. Lea Salonga.
Natapos naman ni Barbie ang psychological horror na ‘Penthouse 77’ ni Derick Cabrido. Kasama niya rito sina Euwenn Mikaell, Rosanna Roces and Gina Pareño.
(RUEL J. MENDOZA) 
Other News
  • Mamarkahan din ang first-ever documentary entry: Walong nakapasok sa ‘2025 Puregold CinePanalo Film Festival’, mas matindi at kaabang-abang

    ISINIWALAT na ang mga filmmaker na lalahok sa nalalapit na ‘2025 Puregold CinePanalo Film Festival’ sa naganap na press conference na ginanap sa Artson Events Place sa Quezon City. Sa bagong grupo ng mga contenders at kanilang mga entry na sumasakay sa momentum ng napakalaking matagumpay na festival noong nakaraang taon, ang Puregold CinePanalo ay […]

  • Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at AFP chief Centino, nagpulong kasunod ng laser incident sa Ayungin Shoal

    NAGPULONG sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino kasunod ng kamakailan lang na isyu sa bahagi ng Ayungin Shoal kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light ang Philippine Coast Guard.     Ito ay matapos ang isinagawang courtesy […]

  • Mungkahi ni Concepcion, i-require ang booster cards sa mga NCR establishments

    IMINUNGKAHI ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na i-require sa mga customers ang pagpapakita ng COVID-19 booster vaccination cards sa pagpasok sa mga establisimyento sa Kalakhang Maynila.     Ang katwiran ni Concepcion, maaari na itong gawin sa National Capital Region lalo pa’y mayroon itong high vaccination rate.     Ginagawa na rin aniya […]