Fisheries Research ship ng China, kahina-hinala
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
KAHINA-HINALA ang paggalaw ng fisheries research ship ng China sa labas ng Luzon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ipinunto ng PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang Lan Hi 101– na isa sa pinakamalaking fisheries research ships ng China ay nagpapanatili ng tinatayang distansya na 24 hanggang 25 nautical miles habang bumibiyahe malapit sa rehiyon.
Bagama’t sinabi sa kanila ng Lan Hai 101 na “invoking the right of innocent passage” lang ito, ibinunyag ni Tarriela na ang research vessel ay bumiyahe sa parehong distansya habang lumilipat malapit sa ilang Luzon areas tulad ng Palawan, Mindoro, Zambales, Pangasinan at Ilocos.
Nitong Miyerkules, iniulat ni Tarriela na ang Lan Hai 101 ay huling naispatan sa tanyang 62 nauti cal miles sa baybayin ng Babuyan island .
Ang presensya ng Lan Hai sa loob ng archipelagic na tubig ng bansa ay unang iniulat ni Ray Powell, direktor ng SeaLight, isang programa ng Gordian Knot Center ng Stanford University para sa National Security Innovation.
Sinusubaybayan ng PCG ang mga galaw ng CCG vessels na labag sa batas na tumatakbo sa loob ng exclusive economic zone ng bansa at malapit sa Zambales mula noong Enero. (Gene Adsuara)
-
IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya
SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya. Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng […]
-
Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021
ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes. Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho […]
-
Tokyo Olympics non-medalists may bonus din
Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus. Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists. Katulong ng POC sa […]