• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Folayang, talo na naman hindi umubra sa Chinese fighter

Nabigo si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay ng Chinese fighter na si Zhang “The Warrior” Lipeng sa pamamagitan ng unanimous decision sa ONE: BattleGround II na ginanap sa Singapore.

 

 

Sa unang round pa lamang ay umarangkada ang Chinese fighter kung saan na-trap pa nito si Folayang sa pamamagitan ng leg scissor bukod pa sa pagpapaulan ng mga magkakasunod na suntok.

 

 

Bahagyang nakabawi si Folayang sa mga sumunod na rounds subalit tinamaan ito ng solid left kick ng Zhang na tumama sa kaniyang mukha.

 

 

Ito na ang pang-apat na magkakasunod na pagkatalo ng 37-anyos na Team Lakay fighter.

 

 

Dahil dito ay mayroon na siyang record na 22 panalo at 12 talo habang ang Chinese fighter ay mayroon ng 31 panalo, 11 talo at dalawang draw.

Other News
  • Together for Health: Making a United Stand Against Cervical Cancer

    CERVICAL CANCER can be prevented through vaccination against HPG–human papillomavirus, which causes about 99% of all cervical cancers– and regular screening. When diagnosed early and managed effectively, cervical cancer is one of the most successfully treatable forms of cancer. Yet every year, out of the 8,549 Filipino women diagnosed with cervical cancer, 4,380 or more […]

  • Sen. Lapid, nagpositibo sa COVID-19

    Kinumpirma ngayon ng kampo ni Sen. Lito Lapid na nagpositibo ang mambabatas sa COVID-19.     Ayon sa kaniyang chief of staff na si Jericho Acedera, kasalukuyang sumasailalim sa treatment ang senador.     Naka-confine umano ito sa Medical City sa Clark, Pampanga.     Ikinokonsidera ng kaniyang doktor ang kondisyon ni Lapid bilang “mild […]

  • NHA, NAMAHAGI NG CELA SA 382 BENEPISYARYO SA CSJDM, BULACAN

    NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 382 kwalipikadong benepisyaryo para sa siyam na housing sites sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.     Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at Region III Manager Minerva […]