• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.

 

Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.

 

Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.

 

Naging team captain si Maradona ng Argentina Football Club ng makuha nila ang 1986 World Cup title.

 

Mayroong kabuuang 34 goals sa 91 na laro ito sa Argentina at nakasama siya sa apat na World Cups.

 

Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay naging cocaine addict ito kaya na-ban ng 15 buwan matapos na magpositibo sa droga noong 1991.

 

Taong 1997 ng magretiro ito sa professional football kasabay ng kaniyang 37th birthday.

 

Naging abala na ito sa pag-manage ng ilang mga football team ng United Arab Emirates at Mexico at siya ang kasalukuyang manager ng Gimnasia y Esgrima ng Argentina bago ito pumanaw.

 

Nanguna naman ang Argentina Football Association sa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng football great.

Other News
  • Punum-puno ng confrontation scenes: BEA, masaya na nakabalik sa drama series at muling makatrabaho si DENNIS

    PUNUM-PUNO raw ng mga dramatic confrontation scenes ang upcoming series na ‘Love Before Sunrise’ na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office actress Bea Alonzo.     Dahil dito, masaya si Bea na makabalik sa genre ng teleserye na kung saan lubos siyang minahal at hinangaan ng maraming mga […]

  • Gov’t-led job fair, tutulong para punan ang tourism labor shortage- DOT

    SA PAGPASOK ng buwan ng Setyembre ay magsisimula na ang  government-led tourism job fairs  para tugunan ang tourism labor shortages sa Pilipinas.     Pormal na tinintahan ng  Department of Tourism (DOT) at  Department of Labor and Employment (DOLE),   memorandum of understanding (MOU) noong Agosto 30 para sa paglulunsad  “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair”. […]

  • James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar

    Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.     Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.     Sumalpak ang  apat na beses na NBA […]